"Hi guys!" Bati ni Jana sa kanila pagpasok nito sa tent. Kauuwi lang din nito galing sa bakasyon sa Hawaii. Pinagpahinga din muna ng mga magulang pagkatapos ma-kidnap para maka-recover. "Hi, Franz." Ngumiti ito ng matamis sa binata. Bumati rin si Franz. "Hello. Kamusta ka na? Okay ka na?" "Oo naman. Salamat ulit sa pagliligtas mo sa akin. I owe you a lot." "Ah, haha." Nagkamot ito ng ulo. "Wala iyon. 'Di lang naman ako ang nagligtas sa'yo. Itong pinsan mo ang pursigidong umakyat ng bundok para iligtas ka." Itinuro si Dylan na gumagawa ng order na milk shake. Napasimangot naman si Belle. Alam ng mga babae kapag may kakompetisyon sa paligid. Lumapit ito kay Franz. "Bebe, samahan mo naman ako mamaya sa bayan." Idiniin pa nito ang salitang bebe para iparinig kay Jana. "May kailangan akong

