Habang naglalakad sa hallway ay biglang napahinto si Honey habang nakatingin sa telepono. Agad kasi siyang nakatanggap ng tawag mula kay ate Charmy. 'Need you here now, ASAP,' pagbasa niya sa mensahe nito sa kaniya. "Is there some wrong?" tanong ni Jazz sa kaniya. Napailing naman agad si Honey. "Ahh, a-ano kasi...may mahalagang pupuntahan pala ako sorry, nakalimutan ko. May trabaho pala ako," nahihiyang sambit niya habang halos nakatiklop ang katawan sa kahihiyan. Napahawak naman sa kaniyang noo ang binata. "Ay! Oo nga pala. Nagtatrabaho ka nga rin pala sa isang store kasama sina Kael at Zane... pasensya na, nakalimutan ko," paghingi ng paumanhin ng binata sa kaniya. Sa halip na magsalita ay napanganga na lamang ang dalaga. Hindi niya kasi akalain na maski ang trabaho nila sa

