Honey's POV 4 Days Ago.. Maaga kami noong nagpunta ni Kael para sana gumala nang hindi namin napansin na alam pala ni Zane ang plano naming iyon. Napabuntong hininga na lamang ako at pumayag na sumama siya. Tutal, ganoon rin naman ang gusto ni Kael eh. Mabuti na lang at sa akin nakaangkas si Kael na labis na nagpaligaya sa akin. Hindi ko maiwasang mapangiti sa loob ng helmet habang nararamdaman ang nakahawak nitong kamay sa baywang ko. Nagtungo kami sa isang kainan at pagkatapos ay tumambay rin kami sa isang skating park. Sa totoo lang ay hindi ako ganoon kagaling sa pag-skate dahil na rin pinipigilan ako dati ni daddy na maglaro ng ganoon. Kisyu hindi daw bagay sa akin ang ganoon. Ganoon pa man ay palagi kong nakikita sina kuya na naglalaro ng skate sa park na malapit sa amin noon.

