Kael’s POV Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maiwasang mapaisip sa sinabi ni Honey sa akin kanina. "Don't worry, I won't hurt your friend cause I'm going to turn him down," Hindi ako makapaniwala. Ang ibig kong sabihin ay matagal na rin silang naging magkaibigan ni Zane at alam kong ayaw niya itong paasahin, pero…hindi ba’t masasaktan niya rin si Zane kung bigla bigla na lang niya itong babusted-in? Napaharap na lang ako sa harapan nang biglang pumasok sa loob ng room namin si Hana-sensei. Agad akong napaayos ng upo nang magtama ang paningin naming dalawa. Ganoon rin ang iba naming kaklase. Sa totoo lang ay ngayon na lang ulit ito nakapasok sa klase naming dahil may inasikaso raw siyang papel na dapat sana ay noong nakaraan niya pa naipasa. Agad akong ginanahan nang mag-umpisa na it

