Napalaki ang mga mata ni Kael habang tinitingnan ang singsing na nasa kaniyang daliri. Hindi niya pa rin nakakausap si Hana simula nang matapos ang seremonya kanina. Hindi niya pa rin maisip na naikasal siya rito sa ganitong paraan. Kahit na malaki ang pagkakagusto niya rito ay kahit minsan ay hindi niya naisip na maikasal rito lalo pa’t napakahirap nitong abutin lalo pa sa isang lalaking tulad niya. Hindi niya alam ang dapat na maramdaman kaya muli na naman siyang napatayo sa kama saka pabalik-balik na naglakad. Napahawak siya sa buhok at bahagyang itong guguluhin hanggang maya maya naman ay bigla itong mapapahinto sabay ngingiti. Napabuntong hininga na lamang sina Aoi at Himari habang nakatingin sa binata. Sa totoo lang ay kanina pa sila naiirita sa paulit-ulit na ginagawa ni Kael. Hi

