----------------------------------------------------- Nang bumagsak sa sahig ang katawan ni Leon ay napahinto si yuki sa pagtakbo nakatingin lang siya sa katawan ng lolo niya na nakahandusay sa sahig . "NO, hindi.." sabi niya at dahan dahang lulmapit dito. "lolo.. no.." ang mga tauhan ni Conrad na nautusan para patayin si Leon ay umalis nadin sa lugar na iyon pati na sina star at harry at charlie ng sabihin ni Conrad na tapos na ang pakay nila sa lugar na iyon. Ang patayin si Leon ang tunay na dahilan kung bakit sila nandoon nagiging sagabal na kase ito sa mga nagiging plano niya, alam na nito ang totoo kaya't mas mabuti nang mamatay nadin ito. nang makalapit si yuki sa lolo niya ay iniharap niya ito sa kanya. "lolo.. lolo.. " sabi niya dito habang hinihimas ang pisngi

