Naibato ni yuri ang cellphone na taban niya matapos ang kanilang pag-uusap ni Ryzen. hindi siya naniniwala sa sinasabi nito. Mahal? eh ni hindi nga nito madalas na makita ang kapatid niya tapos sasabihin nito na mahal nito si yuki? Sa lahat ng taong pupwede niyang hingan ng tulong wag lang ang taong iyon. at ano ang sinasabi nitong may traydor sa grupo nila? halos lahat sa mga kaibigan niya alam na niya ang likaw ng bituka ang tagal na ng pagsasama nilang magkakaibigan tapos sasabihin nito na may traydor sa isa sa mga ito? "huwaaaaa! ang cellphone ko!" mula sa likod ni yuri ay nagtatakbo si yuli palapit sa celphone niyang nasa sahig na hiwa hiwalay na. "the fck yuli ano bang problema mo? sana pala hindi ko nalang ipinahiram sayo to!" inis na bulyaw nito sa kanya. "well

