Ryzen~ Dahil sa pagmamanmanan na ginagawa namin kay Terrence hindi ko na napanood and laban ng kapatid ko. -_- "Ryzen, sabi ni Mozi nasa Bar na daw si Terrence ganoon din ang sabi nila Lotus papunta na sila ngayon doon anong plano mo?"- cartonly "pumunta nadin tayo doon. kailangan nating malaman kung sino talaga ang nag-uutos sa kanila." Wala ka nang kawala ngayon terrence. kung hindi naniniwala sa akin si yuri na ikaw nga ang traydor sa grupo nila mas mabuti pang makita niya mismo ang makapagpapatunay nito. "teka sandali saan ka pupunta?" tanong ni Cartonly sakin. "may mahalaga lang akong pupuntahan sumunod kana sa kanila." sabi ko sa kanya at nagpatuloy na sa paglakad. pupuntahan ko si Yuri para isama siya sakin at ipakita sa kanya na hindi ako nagsisinungaling. . .

