“Anak, tama na iyan, kanina ka pa hindi kumakain poro alak na lang ang laman ng tiyan mo,” Pag-aalala ni Donya Alyana sa binata na katulad ng mga nakaraang araw ay alak na naman ang ginagawang almusal. “Ginawa ko ang lahat mom, pero hindi niya pa rin ako tinanggap naki-usap na siya sa’kin na palayain ko na siya. Para akong nakabitin sa isang puno na kung hindi ako kakapit ay mahuhulog ako sa bangin ngunit marupok ang sanga at gusto niya akong bumitaw dahil kung hindi ay sabay kaming mahuhulog,” Makahulugan na wika ng binata “Hindi kayo mahuhulog kong parehas kayong kakapit anak,” Tugon naman ng Ina nang makuha nito ang paghihintulad niya. “Nararamdaman ko na mahal ka pa rin ni Althea nakita ko ang sakripisyo niya noong tumira siya dito sa bahay, ginawa niya ang lahat hindi lang dahil sa

