Napahilamus sa mukha ang Ginoo na si Dr. Razel matapos sabihin ng kapwa mangagamot at kaibigan niya rin na dead on arrival ang tauhan niyang si Raul at driver naman ng truck ay malubha ang kalagayan na ngayon ay nakaratay rin sa ospital. “Dad, what happened?” “How is he?” Tanong ng dalawang binata na magkasabay na dumating sa ospital. Tanging iling lamang ang naisagot ng ama nila kaya naman ay problemado rin ang dalawa pa na si Justine David at Michael Jordan. “Ako na ang mag-aasikaso sa bangkay ni Raul at ako na rin ang bahala sa naiwan niyang pamilya,” Pagboluntaryo ni David at tumango naman ang ama. “Mag-widthraw ka sa banko anak, bigyan mo ng puhunan ang asawa ni Raul para makapagsimula sila kahit sari-sari store, ikaw naman Jordan hanapin mo si Althea dahil nasa peligro ang buhay

