Cheryl Althea’s POV Nagising ako dahil sa malamig na hangin na dumadapo sa aking balat at pag-angat ko nang tingin ay kaagad na bumungad sa’kin si Jordan na naka-dekuwatro sa isang upuan na nakatitig sa akin kaya kaagad akong napaatras dahilan para mapakunot ang kaniyang noo at bigla siyang tumayo at lumapit sa akin kaya mas lalo pa akong umatras pero wala na akong mapupuntahan pa dahil nakasampa na rin ito sa kama. “J-jordan, a-ano anong ginawa mo sa’kin, tsaka nasaan tayo?” tanong ko at nagpalinga-linga ako ay mas lalo akong nagtaka dahil poro kakahuyan ang nasa palibot namin kaya pala malamig ang hangin kahit na may kumot pa ako dahil walang nakatabon na dingding itong kinaroonan namin, para lang siyang kubo sa probinsya na tanging sahig at bubong lang. “We’re here in Surigao isl

