Lulan ang mag-ina sa sasakyan patungo sa mansyon ng mga Montenegro at hindi maiwasan kabahan ni Althea sa muli nilang paghaharap ni Jordan. Titibayan niya na lamang ang loob para sa apat na anak. “Narito na po tayo madame,” Pukaw ng driver kaya napatango si Althea at nauna siyang lumabas sa sasakyan at inalalayan ang anak na makalabas. Kaagad naman silang sinalubong ng mag-asawa at malalaki ang ngiti ng mga ito habang binuka ang mga braso at sinalubong ng yakap ang mga apo. “Mabuti naman at nakarating kayo,” Ngiting pagbati ni Alyana “Dumating na po ba?” Sa halip ay tanong ni Althea at kaagad naman itong nakuha ng Ginang. “Oo,may dinaanan lang si Jordan on the way na raw, halika kayo pasok sa loob at nang maipasyal ko ang aking mga apo sa loob ng bahay,” Tugon naman ni Alyana. Gumaya

