Third Person’s POV Naghahanda ang mga camera man, director at ang mga extra para sa gaganaping eksena at naroon na nga ang dalagang si Violet na may pakain pa ito sa mga naroon. Hindi magkamayaw ang mga ngiti ni Violet sa mga naroon lalo na sa harap ng director pabida kasi ito sa lahat. “Wala pa ba si Che?” Tanong ng director sa secretary ni Cheryl Althea sapagkat nauna ang sekretarya dahil aasikasuhin pa nito ang puwesto ng amo. “On the way po direk,” Sagot naman ng babae. Mamaya pa nga ay dumating na si Althea na suot ang sopistikadang awra at lahat ng mga naroon ay napatingin sa bagong dating. “Who the hell—hindi natapos ni Violet ang sasabihin nang mamilog ang mga mata nito at nawalan ng balanse. Mabuti na lamang at nasalo ito ng PA kaya nakabawi rin kalaunan si Violet pero ang mg

