Third Person’s POV Dalawang araw na ang nakalipas buhat nang matuklasan ni Jewel ang larawan ng isang babae sa kuwarto ni Mr. De lavega at mag-mula ng araw na iyon ay hindi na ito mapakali. Kung hindi nga lang pinagsabihan ng nakakatandang kapatid na si Althea ay gustong tuklasin ng dalagita ang pinagmulan ng larawan,’yon at gusto ni Jewel na kausapin mismo ang may-ari ng mansyon ngunit hindi lang ito natuloy sapagkat pinagsabihan ni Althea si Jewel na hindi magandang manghimasok sila sa personal na buhay ni Mr. De lavega lalo pa’t galing pa lang ito sa ospital at ayaw ni Althea na madagdagan pa ang alalahanin ng ginoo. Sa huli ay si Althea ang nasunod kaya naman ay balik sa normal ang kanilang buhay. Magkasabay si Althea at Jewel na pumasok ng skuwela at pinalipat na rin ni Mr. De lave

