Bumalik ang mag-anak sa mansyon ng mga Montenegro dahil na rin sa kagustuhan ni Althea upang mas lalong mapalapit kay Jordan. Naging masaya naman ang mag-asawa na Montenegro pabor rin ito sa kanila para makasama pa ang mga apo ng mga ito. Magmula kaninang umaga ay hindi nakita ni Althea si Jordan at ayon sa nanay nito ay busy lang umano sa hospital ang anak nila. Ayon pa sa mga ito ay tanging ala-ala lamang sa kaniya ang hindi matandaan ni Jordan dahil siya ang mas may malaking impact sa binata na hindi naman maintindihan ni Althea ang paliwanag ng mama nito sapagkat hindi niya makita ang sense kahit saang angulo kaya naman ay buo na ang desisyon niya. Ipagtatapat na niya kay Jordan ang lahat sapagkat batid niyang nagkukunwari lamang ang binata na hindi siya nito matandaan. Kaya maaga pa l

