"What are you doing here, Dale?" seryosong sambit ni Cross nang makita nito ang pinsan sa loob ng kanyang Casino. Tahimik lamang itong nagmamasid mula sa kanyang VIP room ng bigla itong sumulpot sa kanyang tabi hawak ang isang bote ng whiskey. Inis niya itong tinitigan pero binalewala lamang ito ni Dale. "Are you blaming me for something, Cross?" naka-angat ang kilay nitong tanong sa pinsan. Umismid naman si Cross at ibinalik ang paningin sa mga manlalarong abala sa kani-kaniyang mesa. They all got their chips at nakalatag ang mga ito sa kanilang harapan. Bumuga na lamang ito ng hangin at napayukom. Gustuhin niya mang magpawala ng stress through gambling but he can't. Cross noticed that his impulse was different from before, he knew that something has changed. Before, he loves gamblin

