"I'M LOSING the baby. I'm losing our baby," hindi mapigilan ni Alyssa na mapaiyak habang unti-unti nang pumapasok sa isip niya ang nangyari. She was bleeding. Mawawala ang tanging bagay na naglapit sa kanila muli ni Ed. Nakaramdam siya ng matinding sakit sa puso dahil alam niyang hindi lang ang anak ang mawawala sa kanya. Ganoon rin si Ed. Matinding ginulo siya ng mga sinabi sa kanya ni Aliciana. Nagkulong siya sa kuwarto niya pakaisipin ang tungkol roon. Nagpadalos-dalos siya. Kahit gaano pa man kabuti sa kanya si Ed, iba pa rin ang pagmamahal. Maaring may pagmamahal sa kanila pero sa pagitan lang iyon dahil pagmamahal lang iyon para sa kanilang anak. Napagtanto niya sa sinabi ni Aliciana na kulang para sa kanya ang mga pagmamahal na iyon. Napagdesisyunan niya na umatras sa kasal. Inaas

