"YOU'RE okay now?" Bahagyang natawa si Alyssa nang marinig ang tanong na iyon kay Ed. Kakagising lang niya ng umaga na iyon at tinawagan siya ni Ed para tanungin ang lagay niya. Gusto niyang paikutin ang kanyang mata sa concern na ipinapakita nito sa kanya. "Kagabi mo pa tinanong 'yan." "I just want to make sure. You scared the hell out of me yesterday," Napangisi si Alyssa. "Kapag welfare ko yata, palagi ka na lang natatakot." Tumawa si Ed. "Yes. You had that kind of power over me. So ano nga? Okay ka na ba talaga? Do I need to send---" "I'm fine, okay? Parte lang ng paglilihi ko ang kahapon kaya wala kang dapat ipag-alala. Wala rin akong morning sickness ngayon. I'm perfectly fine. And I'll be fine the whole day, too. Wala naman akong pasok." Sabado ngayon kaya off niya. "Pero teka,

