NAGULAT si Alyssa nang kinabukasan ay makita niya si Aliciana sa palasyo. Pagkatapos ng nangyari sa kanila kahapon ay umalis na lang ito basta-basta sa kanya. Simula noon ay hindi na niya ito muling nakita kaya inakala niya na umalis na ito. Pero ngayon ay nasa hapag ito kung saan mag-aalmusal siya. Si Aliciana lang ang natagpuan niya sa malaking formal dining room ng palasyo. Inaasahan na rin naman niya na wala siyang magiging kasabay dahil tinanghali siya ng gising. Nitong mga nakaraan ay mas lumalala pa ang mga nagiging sintomas ng pagbubuntis niya. Isa na roon ang madalas na tanghali niyang paggising. Alam rin ni Alyssa na wala si Ed ngayong umaga sa palasyo. Ayon rito ay may aasikasuhin raw ito kasama ang pinsan na si King Rodrigo. Mamayang hapon pa ang balik nito kaya hindi talaga

