Naglakad ako sa pintuan dahil panay tawag na si Mommy sa akin mula sa labas. Binuksan ko na ang pinto. Bumungad agad sa pagmumukha ko ang sopistakadang suot ni Mommy. She is wearing her red fitted dress. Ang kurba ng kanyang katawan ang mas klaro sa paningin. Nakasuot naman siya ng silver heels sa ibabang bahagi. "You ready, iha?" tanong niya sabay suyod sa suot ko. Inayos niya ang buhok ko saka ngumiti. "Hindi pa naman klaro ang tiyan mo kaya bagay pa rin sa'yo ang magsuot ng hapit na dress... Let's go now. Kadarating lang ng mga bisita. Nandoon na rin ang mga kapatid mo sa ibaba. Naghihintay sa'yo." Nakakapag-panibago dahil ang lumanay ng boses ni Mommy habang kinakausap ako. Namimiss ko tuloy na ganito niya ako kausapin. This past few months palagi na lang mainit ang ulo niya sa akin.

