Wala akong tulog kaiisip kay Herondale kung ano ba ang nangyari sa kanya. Masiyado ng puno ang utak ko ng negatibong pag-iisip lalo na't hindi kami nagkikitang dalawa. The moment I shed tears last night. It was exhausting and at the same time, I felt tiredness. Kahit iisipin kong huwag ako magpaka-stress dahil may baby pa akong dinadala. Hindi ko maiwasan sa pagkat ang bigat-bigat ng problemang dinadala ko. Ang hirap dalhin dahil onti-onti akong dinudurog sa selos. Kahit pilit akong umiiwas sa nagdala sa akin ng pasakit. Hindi ko mapigilan ang sarili na ibabad ang mga mata sa mga nakikita kong litrato. Palagi akong tambay sa social media buong araw. Nakakulong lang ang sarili ko sa library. Naghahanap ako ng ibang mga kuhang litrato nina Herondale at Aaliyah na magkasama sa France. W

