Hindi ako pinayagan ni Herondale na umuwi nang mag-isa dahil may trabaho pa siya. Hindi niya raw hahayaang uuwi ako na ako lang. Delikado raw lalo na't wala akong alam sa probisyang ito. Wala akong magawa dahil kahit anong pilit kung sundin ang gusto kong umuwi na. Ayaw niya talaga. Nanatili na lang ako roon hanggang sa magtrabaho na ulit sila. Mabuti na lang hindi na sila nag-open-up tungkol sa anak ng amo nila. Dahil pinagalitan sila ni Heron. Kumalma na rin ang kalooban ko kaya napapayag ako ni Heron na sabay kaming uuwi. Pinagmasdan ko lang siya na nagbubuhat ng semento sa buong umaga na nandoon ako. Minsan mga bakal, bato ang binubuhat niya papuntang fifth floor ng building. Hindi rin nawawala ang tingin niya sa akin. Minsan lumalapit siya para magpapahid sa akin ng pawis. Minsan n

