"Huwag kang lalapit, Roshana!" sigaw ng anino. Palinga-linga ako sa paligid. Hinahanap ang taong nagsasalita. May sinag sa unahan. May nakatayo roong lalaki. Matangkad, nakasuot ng itim na damit. Mas inaaninag ko ang tao. Pinaliit ko ang mata upang hindi ako masinagan ng ilaw. Isang pigura ng lalaki na may hawak na baril sa kamay ang namataan ko sa may hindi kalayuan. Galit ang namumuo sa kanyang mga mata. Sobrang familiar sa akin ang mukha nito. Ilang beses kong pinoproseso kung totoo ba itong nakita kong tao. "H-Heron!" I called loudly "Ibaba mo ang baril! Please, don't kill me." Nanlaki ang mata ko sa gulat. He is holding a gun and it pointed at me. Is he going to kill me right now? Bakit niya ako tinutukan ng baril. Naglakad ako papalapit sa kanyang kinatatayuan. Puno ng lungkot

