Habang naghihintay kay kuya Rohan sa loob ng sasakyan. Hindi na mapapalagay ang isip ko kaiisip sa nakitang pigura ni Heron kanina sa entablado na tinitingnan ako habang pababa ang stage na kinakantahan nilang lima sa pa-ilalim. Bigla akong kinabahan ng todo na baka makilala niya nga ako kanina..Mabuti na lang, nakaalis na ako sa VIP sit bago pa man sila tutugtog ng kanta para sa next song nila. Hindi ko inaasahan iyon na mapagawi ang mata niya sa puwesto ko. Tama nga si kuya Rohan. May posibilidad ngang makita ako ni Herondale roon. Lalo na't ang lapit nito sa pinagkakantahan nilang entablado. Hindi naman siguro niya ako nakikilala. Naka-Jacket at mask na ako. Imposibleng makilala niya ako. Sana hindi nga... Dahil kapag nagkataon na namukhaan niya ako. Hindi ko alam kung ano ang gag

