Shangxin's Pov
“I've told you. Stay away from him. He already own by someone.” nag e-echo pa rin ang sinabi ni Kyle sa tenga ko. Parang nandito pa rin siya sa paligid ko at pa ulit-ulit akong pina-aalalahanan. At kada maririnig ko ang sinabi nito ay milyon-milyong karayom ang tumutusok sa dibdib ko. Hindi ko alam bakit ganito ang nararamdaman ko? Sino ba ang pinupunto niya?
Napapikit ako ng mata. Sa pagpikit ko ay nakikita ko ang sarili ko habang hawak ng dalawang lalaki. Ang paghaplos nito sa dibdib ko. Ang mga palad nitong dumapo sa balat ko. Ang halik na iginawad nito sa ilang parte ng katawan ko.
“In a count of 3 run.”
“I'll protect you always. Shangxin!”
“Someday, Shangxin we will meet again!”
“He already own by someone.”
“He will only hurt you!”
“His mine!”
“He ready own by someone!”
“Ladies and gentleman. Let's welcome—”
“Urghh! Tama na!” saad ko at nag-uumpisang magsi-agos ang mga luha sa pisnge ko. Hindi ko alam kung anong iniiyak ko.
Ano 'yung mga imaheng nakikita ko. Kaninong mga boses ang naririnig ko!
Umiiyak ba ako dahil ba sa sinabi ni Kyle? Kasi kung 'yun— 'yun. Bakit naman ako iiyak? Hindi ko naman maintindihan 'yung ibig sabihin niya.
Maiintindihan ko pa kung iiyak ako dahil sa pangbababoy sa 'kin. Pero bakit mas nasasakatan ako sa mga boses na naririnig ko sa utak ko.
Sinabunutan ko nang mariin ang buhok ko. May gusto akong ma alala pero hindi ko maalala!
Bahagya kong ihinampas ang palad ko sa dibdib ko. Baka sakaling maibsan ang pagkirot nito. Nanghihinang hinabol ko na naman ang hininga ko. Hindi ko alam kung saan ako kakapit, sa ulo ko pa ba na sumasakit? O sa dibdib kong parang pinipiga. Napahawak ako sa higaan ko upang kumuha ng lakas.
“Shangxin! Ano bang ginagawa mo?! ”singhal ni Rafael. Hindi ko ito pinakinggan, mariing hinawakan ko ang ko dibdib ko. Hindi ko maipaliwanag ang sakit na bumabalot sa dibdib ko. Parang may napuputol na ugat sa loob.
“Tita! Si Shangxin!” sigaw nito at tuluyan na akong nawalan ng malay.
Nagising ako na parang binugbog ang buong katawan ko. Parang pagod na pagod ako.
“Huwag niyo na po siyang hahayaang ma stress. Hindi makabubuti sa mental health niya ang mastress.”
Napamulat ako ng mata, nasilaw ako sa sinag ng ilaw na tumatama sa mukha ko. Inilagay ko ang palad ko sa mata ko upang matabunan ang liwanag. Napabaling ang tingin ko sa Iv sa kamay ko na nakakabit. ‘Nandito nanaman tayo.’
Ang pinaka kinatatakutan kong lugar. Ang kinamumuhian kong tahanan.
“And besides Ma'am. Need niya ng daily check dahil sa pagkalunod niya.” dagdag pa nito.
“Ma, umuwi na tayo.” putol ko sa usapan nila. Naiiling na nilingon ako ni Nurse Angel.
“Your still so stubborn Xinnie.”
Nagbilin lang ito ng ilang reseta bago umalis. Lumingon muna ito sa 'kin at nagpaalam na si Nurse Angep kay mama. Nang makalabas na ito dinaluhan naman ako ni mama sa kama. Hinaplos nito ng palad niya ang pisnge ko.
“Ayos ka na ba? Wag mo na ako pag-alalahanin ulit ha?” tango lang ang isinagot ko rito bago muling nagsalita.
“Kailan ako makalalabas?” hindi ito sumagot. Ayaw nitong sumagot dahil alam niyang pipilitin ko lang siyang umuwi. Tumayo ito at nagtungo sa drawer sa gilid ng hospital bed ko.
“Ayoko na dito,”
Still hindi pa rin ako sinagot ni mama. Ayaw nitong makipagtalo sa 'kin. Naiinis na tumagilid ako ng higa. Naiinis akong makita si mama. Alam na alam niyang ayoko pumalaga dito.
Maya-maya ay narinig ko ang pagbukas ng pintuan. Napabaling ako sa may pintuan.
“Ma, may gustong bumisita kay Shangxin,” wika nang kararating lang na si Ate Graciana. Mukhang wala pa itong tulog.
“Ayoko ng bisita.” ani ko na hindi na muling tumitig sa may pintuan.
“Hi po Tita Estella,”
“Esmael pasok ka hijo. ”
“Amm? Tita I'm with Jordan and Sheng.”
“Ganun ba? Pasok kayo. Kukuha rin naman ako ng gamot ni Shangxin sa pharmacy. Kayo muna ang bahala sa kaniya.” rinig kong ani ni mama bago lumabas. Narinig ko ang pagsarado ng pinto hudyat na lumabas na si mama. Hindi pa rin ako lumingon at nag-panggap na tulog. Wala akong sa mood para kausapin ang mg bwesita ko.
“I know you're awake.” simpleng sabi ni Sheng na halatang naiinis sa hindi ko pag welcome sa kanila.
Bumangon ako para hindi naman masayang ang pagpunta nila rito. Nanghihinang inaangat ko ang katawan sa kama. Inalalayan naman ako ni Esmael. Maingat nito ako nitong pina-upo.
“Parang hindi ka pasyente kung makagalaw Shangxin. Dahan-dahan lang.” natatawang ani niya habang inalalayan akong maka-upo. Nag alangan pa ako nang lumapat ang palad nito sa likuran ko. But, knowing this is Esmael. Hindi ako umimik.
“Bakit kayo nandito?” nakataas pa ang isang kilay ko sa kanila habang sinabi ko 'yan. Gusto kong umakto ng normal lang. Ayokong makahalata silang bukod sa pagkalunod ay may iba pang nangyari.
“To check if you're still breathing?” sarcastic na sagot nito. Gusto ko siyang batuhin. Nagawa pang mang bwest samantalang bisita lang siya.
“We'll humihinga pa ako. Pwede na kayong umalis.” iritadong saad ko at nakahalukipkip.
“Sheng.” mariing wika ni Jordan.
“O, siya. Eto may dala kami.” presinta nito sa basket ng prutas sa may lamesa. “Amm? Ano ang gusto mong kainin?” paglilihis ni Esmael sa usapan.
“Wala, gusto ko lang lumabas rito. ” simpleng saad ko at walang buhay na tumingin sa bintanang nasa harap ng higaan ko.
‘Gusto kong umalis sa lugar na 'to. Para akong sinasakal habanh tumatagal ako rito.’
Binalot kami nang katahimikan. Walang salitang namutawi sa bibig ng bawat isa. Ilang minuto ang lumipas bago tumikhim si Jordan.
“Amm Shangxin?” basag ni Jordan sa tahimik na silid. Nilingon ko naman ito at blangkong tinitigan.
“Hmmm?”
“Can we ask something?”
Humawak si Sheng sa balikat ni Jordan. Parang pinipigilan nito ang kung ano mang sasabihin ng kaibigan.
“Jordan. I think she's not ready to answer those question,” nagtatakang pinaningkitan ko ng tingin si Jordan. Napakamot lang ito ng ulo at natatarantang tumayo. Lumapit ito sa basket ng prutas, kumuha siya ng mansanas at kinagat ito.
“Ano bang itatanong niyo?” nagpalipat-lipat ang tingin ko sa tatlong lalaking nasa harap ko. Pareho silang nag-iwasan nang tingin. Parang nag-uusap usap ang mata mila na kung sino ang sasagot sa tanong ko.
“Nothing, bumisita lang kami talaga dito,” sagot ni Esmael.
Hindi ako kumbinsido sa mga sinasabi ng mga 'to. May mali sa kinikilos nila at ang ayoko sa lahat e 'yung binibitin ako sa usapan.
“Ano bang itatanong niyo kasi?”
“Wala nga!” sabay pa silang tatlo na sumagot.
“Kung ayaw mong manatili nang matagal dito 'wag kang magtatanong pa!” naiinis na wika ni Sheng habang hinihilot ang sintido nito.
“Ano nga kasi 'yun?” pangungulit ko. Pero wala akong sagot na narinig mula sa kanila. Nakita kong bumuka ang bibig ni Esmael pero siniko siya ni Jordan. Pinanlakihan naman siya ng mata ni Sheng. Sa kanilang anim napansin komg si Esmael ang pinaka honest dahil sa kadaldalan nito.
Magsasalita pa sana ako nang bumukas ang pinto. “What really happen that day? Bakit nasa dagat ka? We know that your stupid. Pero hindi ka naman siguro ganun kalala para ilunod ang sarili mo sa hanggang dibdib lang na tubig,” ani nito at isinara na ang pinto.
Nag-umpusang nanginig ang kamay ko sa sinabi nito. Hindi ko maipaliwanag 'yung kaba at takot sa dibdib ko. Naalala ko na nanaman kung paano hinaplos ng dalawang lalaki ang katawan ko. Kung paano mariing hawakan ang braso ko.
“Ow fck. Shangxin? Calm down!” nabitawan pa ni Jordan ang hawak niyang mansanas. Hindi ko marinig nang maayos ang mga sinasabi ng nasa paligid ko. Namamanhid na naman ang mga daliri ko. Napahawak ako sa dibdib ko. Hinagod naman ni Esmael ang likuran ko. Naluluhang hinabol ko ang hininga kong kinakapos na.
Nakatitig lang ako kay Kyle habang may pilyong ngiti ito sa labi. Mariin akong napapikit nang sumikdo ang sakit sa dibdib ko. Napayuko ako at habol habol ang hininga. Namamanhid na naman ang ulo ko at parang may napuputol na ugat sa dibdib ko. Alam kong sumisigaw ako sa sakit. Pero hindi ko madinig ang sarili kong tinig.
“Shangxin? Can you here me?” inangat nito ang mukha ko. Sapo nito ang magkabilang pisnge ko gamit ang dalawang palad niya. Madilim man at hindi ko gaanong maaninag ito. Alam kong siya ang nasa harapan ko ngayon. “Paanong narito ka agad at hawak ako? ”
“Jordan! Call the doctor!” sigaw ni Sheng. Naririnig ko ang bawat sigaw at pagkataranta nila. Kung anu-ano ang pinapahid nang mga ito sa ilong ko. Nararamdaman ko rin ang mahinang pagtapik ni Michael sa pisnge ko. Hinihilot naman ni Sheng at Jordan ang magkabilang palad ko.
“Shangxin? Can you here me? Shangxin!” muling ani nito habang nakakulong ako sa bisig niya.
“I can you here you. Pero inaantok ako,” pagkatapos kung sabihin 'yun nandilim na ang buong paligid.
- -
Bipolar's Pov..
“Shangxin is in the hospital right now. I'll go there to check if she's okay,” napaangat lang ako nang tingin at hindi interesadong marinig ang sasabihin nito.
“Pupunta rin ako. Sabay na tayo Sheng.” sabat naman ni Esmael. Napakunot ang noo ko sa kanila sumulyap ako kay Esmael na inaayos ang kwelyo ng polo niya. ‘Kailan pa. sila naging close. Why he bother to see Shangxin's situation?’
“Staring is rude bro. Kung type mo ako ay sabihin mo lang. I'm free tonight,” nagtaas baba pa ang kilay nito.
“Disgusting, kay aga-aga Esmael,” ‘what the F? Bakit pati si Jordan nakabihis?
“Where the he'll are you going Jordan?” tanong ko rito.
“I'll go to hosptial too. Gusto ko lang icheck if okay na ang lagay ni Shangxin. Seeing her like that I can't sleep properly last night.”
“Pati ang pasa sa braso niya, I don't think it's normal. I heard her screaming for help. Kaya napatakbo agad ako.” segunda ni Michael.
“Someone harass her. Those bruises on her left arm gawa 'yun nang nagtakang manghalay sa kaniya.” napalingon ako sa kararating lang na si Kyle. Mukhang wala pa itong tulog.
“Na raped si Shangxin? Fck? Did you find the culprit?!”
“Nope, muntik lang.”
“Muntik? But still maybe they touch her! Damn!”
Nakuyom ko ang kamao ko at hindi umimik. Bakas ang galit sa boses ni Jordan, Michael at Esmael. Samantalang hindi rin umimik si Sheng.
“What did he say? Someone's tried to raped Shangxin?”
“And that's because of you.” turo nito sa 'kin. Napukaw ang diwa ko sa sinabi nito.
Napalingon silang lima sa 'kin at nagtatanong ang mga pares ng mata nila.
“What do you mean Kyle?” mahina pero mariing saad ni Sheng.
“You do know how Samantha obsessed to you.” nakatinging wika nito.
“I just try to show her that you will stay away from Shangxin after what happen.” napatayo ako kwinelyuhan ko siya. Nagtatagis ang panga ko sa galit.
‘So, it's was your fault?’
Malakas na suntok ang ibinigay ko kay Kyle. Kulang pa 'to sa kagaguhang pinag-gagawa niya.
“I already warned you. Mapapahamak siya kapag pinagpatuloy mo pa. Nakita mo na siya ulit. Hindi pa ba sapat 'yun?”
Mas lalong nandilim ang paningin ko at sinuntok ko siyang ulit. Gumanti rin ito nang suntok sa 'kin.
“You didn't protect her! You just put your gurl into a dangerous situation!” sinuntok niya ulit ako. Napaupo ako sa sahig at gayun rin siya. Hindi kami pinigilan nila Sheng. Pinanood lang kami na parang sana'y na sila sa daily routine namin ni Kyle.
“Kung gusto niyong magbasagan ng mukha ay 'wag sa harapan ko.”
Walang pakialam na umupo si Sheng sa sofa at pinaglalaruan ang laman ng wine glass niya.
Napaupo na lang ako habang mariing sinasabunutan ang sarili ko.
“What should I do now!”
“Alam na alam mo sa sarili mo ang sagot.” dugtong pa ni Kyle na hindi alintala ang pagputok ng gilid ng labi niya.
“Bakit ba kasi hindi mo na lang iwasan si Shangxin,” pahayag ni Esmael at inilagok nito ang alak sa baso niya bago muling nagsalita.
“Pero, palagi naman kayong pinagtatagpo kahit hindi niyo sinasadya.”
“Pero, don't forget. Nakatali ka na sa iba.” ani ni Esmael na mas lalong ikinasakit ng ulo ko.
“Hindi mo nga maayos ang sarili mong problema. Dinagdagan mo pa.” segunda pa ni Jordan.
“Shangxin is too naive and innocent. You should stay away from her.” saad naman ni Michael habang tutok ang mata sa laptop.
“Stay away from my sister. Stay away from her until you solved your own problem.” Sheng said while sipping his wine.
Nakakuyom lang ang kamao ko habang pinapakinggan ang sinasabi nila.
“Wala akong problema kung anong meroon sa inyo noon. Ayoko lang makitang miserable ang kapatid ko. Ayusin mo ang problema mo bago mo protektahan ang kapatid ko. I can protect her, bro. Kung 'yun ang inaalala mo.” dagdag pa nito.
Bakit lahat sila ay pinalalayo ako sayo? Ganun ba kita ipapahamak? Kaya kitang protektahan. Kayang-kaya ko.
“I can protect her too.” sabat naman ni Kyle.
Matalim kong tinitigan si Kyle. I admit, I know I can't protect her—for now. But, I won't allowed Kyle to protect her.
“Atleast let me protect her. Let me protect my fiancé.” pilyong saad niya bago umakyat ng hagdan.
“Ang sasakit niyo sa ulo. Alam niyo ba 'yun?” anas ni Esmael.
“Hayaan mong si Kyle ang maging sandalan niya. Paano mo makukuha ang kapatid ko kung pagmamay-ari ka ng iba.” he just tapped my shoulder and went upstairs.
Naiwan kaming apat ni Jordan, Esmael at Michael sa baba.
“Leave her alone for now. Don't worry, we will help you to protect your princess.”
“Count me in.” ani ni Esmael.
“You should protect yourself too. For now kami nang bahala sa prinsesa mo.”
“Kung gusto mo siyang makita sa huling pagkakataon. Sumama ka sa 'min. Pero 'wag kang lalapit o magpapakita sa kaniya.”
Napangiti lang ako sa kanila. Kung may isang bagay man akong ginusto sa sitwasyong ito. Ito at ang magkaroon ng barkadang katulad nila.
‘I'll protect you forever Shangxin.’