19 Years Later… Nakatatlong katok siya sa kuwarto ng magulang pero hindi pa rin pinagbubuksan si Ezi ng pinto. Kaya napilitan siyang pihitin na lang ang door knob. Napatigil siya ng makita ang magulang na naghaharutan sa ibabaw ng kama. Masaya ang mga ito. Hindi na niya inabala ang sariling istorbohin pa ang dalawa. Halos langgamin ang buong bahay nila kapag naghaharutan ang mga ito. Kahit nandiyan silang magkakapatid. Sabagay, mahal na mahal ang isa't-isa. Napangiti siya. Sana ganoon din sila ng magiging asawa niya hanggang sa pagtanda. Napangiwi siya ng maalalang wala pa siyang naging seryosong nobya sa edad na 25. Inakay niya ang kambal na kapatid palabas ng bahay. Siya na ang naghahatid sa mga ito kapag Friday. Maaga din ang pasok ng mga ito kagaya niya kaya sinasabay na niya.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


