-=Naya's Point of View=- Hindi ko na napigilan ang mga luhang agad na dumaloy mula sa mga mata ko, hindi ko kasi matagalan ang sakit na nakikita ko sa mukha ni Daddy. Nararamdaman kong nasasaktan ito, dahil sa ginawa naming paglilihim sa kanya ng totoo. Gusto kong sabihin sa kanya na balak ko naman na ipagtapat na ang totoo, pero parang hindi gumagana ang isip ko ng mga oras na iyon, at kahit naman magpaliwanag ako dito ay hindi magbabago na naglihim kami sa kanya. "Please tell me na hindi totoo ang nalaman ko, at kaibigan mo lang si Hadley." pakiusap nito. Ayokong saktan si Daddy, pero hindi ko na kayang ilihim pa ang nararamdaman ko kay Hadley, kaya naman kahit masakit ay umiling ako para sagutin ang tanong nito. Kitang-kita ko kung paano namula ang mga mata ni Daddy sa pinipigilan

