Nakabalik lang sa Maynila na hindi masyado nakakibo si Shan. Kahit anuman ang gagawin ni Martin dito pinagsawalang bahala na lamang ni Shan ito. Sobrang sama ng loob niya sa nakita sa social media ang post na naka-tag kay Martin. “Soon to be married” ang caption at magkaakbay pa sila ni Marie sa post na iyon. Sa Baguio pa sila ng mabuksan niya ang kanyang sss account at ito ang unang tumambad sa kanya. Inis na inis siya pero hindi rin niya kayang sumbatan dahil wala siya sa posisyon para tanungin ito. Dalawang beses nang may nangyari sa kanila pero wala man lang salitang nabitiwan si Martin na kanyang panghahawakan. “Iha, kanina pa tumutunog ang telepono mo, bakit hindi mo sagutin yan! Si Ninang Lorna niya ito. “Hayaan mo na lang po, hindi naman yan importante! “Si Martin ang tumataw

