Naibagsak ni Daniel ang dala nitong plastic sa naka park na sasakyan habang sinundan ng mata nito ang papaalis na motorsiklo na kumuha kay Shan. Pero kung kilala ito ng kaibigan hindi sana ito sisigaw na tilang natatakot at humihingi ng saklolo. Kaagad siyang sumakay at paharurot niyang sinundan ang motorsiklo at kinunan ng plate number habang nakasubaybay dito. Pero nang lumiko ito sa isang sanga-sangang daan tilang nailigaw siya nito dahil bigla itong nawala sa kanyang paningin. “S--it! Saan na kaya sila lumiko!” puno ng galit at pag-alala. Napasubsob siya sa manibela at nag-ipon ng lakas. Kahit sabihing abogado siya at sanay na siya sa pag-handle ng mga inilalapit sa kanyang kaso pero iba talaga pang totoong pangayari na nanaganap sa’yo. Tinawagan niya ang kanyang kaibigang pulis pa

