ELIJAH'S POV
"Kuya!" Salubong agad ni Macy sa akin pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto. Gulat na gulat siya at alalang-alala. Nakalimutan ko na ilang araw pala akong nawala.
"Si Lolo?" Tanong ko agad upang ilihis ang maaring tanungan na maganap. Kaya lang....
"Kuya, isang buwan kang nawala kung saan saan ka namin hinanap. Hindi ka man lang ba magpapaliwanag?" Dire-diretsong tanong ng kapatid ko. Napakamot ako, buti sana kung pwede kong ikuwento ang lahat. Pero teka..
"Anong sinabi mo Macy!?" Gulat siyang napatingin sa akin. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at agad akong napalapit sa kanya. Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya at niyugyog ko pa siya ng bahagya. "I-isang buwan?"
"O-oo!!" Inalis niya ang pagkakahawak ko sa kanyang balikat. "Ano ka ba kuya!? Ano bang nangyari sayo at kahit ang tagal ng pagkawala mo ay hindi mo alam?" Naluluha niyang tanong sa akin. Napaupo ako at pilit na kinalma ang sarili. "Sino itong kasama mo!?" Nawala sa isip ko na kasama ko ang Prinsesa ng mundong pinanggalingan ko kani-kanina lang.
Napatayo ako upang lapitan si Generous ngunit naunahan na ako ng kapatid ko.
"Macy! Ano ba!?" Laking gulat ko ng hatakin niya ang buhok ni Generous. Bigla akong natakot para sa kapatid ko.
"Ikaw! Walang hiya ka! Ikaw ba ang dahilan ng pagkawala ng kuya ko ha!?"
Pilit kong inaawat ang kapatid ko sa bigla niyang panunugod pero lalo akong kinakabahan dahil walang ginagawa si Generous para gumanti.
"Bitiwan mo siya, Macy." hinawakan ko ang mga kamay niya at pilit ko tinatanggal ang pagkakakapit niya sa buhok. "Macy!" Sigaw ko sa kanya ng hindi maawat. "MACY!!"
"ANO!!?? ANO KUYA !? ANOOOO!???" Matinis na matinis na sigaw niya. Sobrang galit na galit siya at sinabayan ng pag-iyak niya. Bigla nalang niya binitawan ang buhok ni Generous at sumalampak sa sahig. "You left without even telling me and lolo. And it's more than a month now and you don't even care to tell us what happened? Kuya....." Saglit siyang huminto at tumingala sa akin. "Kuya what is wrong with you!?"
What is wrong with me? Tanong ko sa sarili ko. Base sa pagkakatanong ng kapatid ko ay para bang may kakaibang nangyayari sa akin na siya lang ang nakakapansin.
Napatingin ako sa Prinsesa. Kalmadong kalmado lang siya habang inaayos niya ang buhok at ginagalaw ang ulo pakaliwa't kanan upang patunugin ang kanya leeg. Napalunok ako. Ganito siya kakalmado at kampante. Sabagay, hindi nga pala tulad naming normal na tao. Kayang kaya niyang i-handle ang nangyari ngayon lang. Sumandal siya sa pader na nasa sinasabitan ng malaking portrait ni lolo. Bali nasa itaas ng ulo niya. Sumandal siya habang magkakrus ang mga braso at saka tumitig sa akin. Iginalaw niya ang mata niya na para bang sinasabi niya na ituon ko muna ang atensiyon ko sa kapatid ko. Napabuntong hininga nalang ako saka nag squat para mapantayan ng bahagya ang kapatid ko.
"Macy, magpapaliwanag naman ako. Hindi mo naman kailangan mag hysterical. Hmm?" Sabi ko habang nakapatong ang kanang kamay ko sa ulo niya. Tinignan niya muna ako ng matagal bago siya tumango.
"Sorry." Sabi niya lang.
Kumalma naman ang kapatid ko at nagawa kong magpaliwanag. Iba nga lang ang kwentong nasabi ko dahil nangako ako sa Hari na hindi ako magsasabi ng kahit anong impormasyon sa oras na pabalikin nila ako. Sinabi ko na lang na may biglaang business trip na kinailangan kong puntahan sa malayong probinsya. Sabi ko ay naligaw ako sa lugar na pinapuntahan sa akin ng boss ko, wala akong pera at saka ko nakilala si Generous na siyang tumulong sa akin. Hindi ko alam kumg pinaniwalaan ako ng kapatid ko pero sa tingin ko naman ay nakumbinsi ko siya kahit paano. Ang mahalaga ay hindi mapunta sa totoong kwento ang pagdududa niya, kung meron nga siyang pagdududa sa mga sinabi ko.
Hindi pa naman mabilis mapapaniwala ang kapatid ko na yan. Matalino at alam niya kung pinagtitripan ko lang siya minsan at higit sa lahat ay siya ang pinakanakakakilala sa akin. Pero sa "pagpapaliwanag ko" kanina ay mukha namang naniniwala siya. Humingi din siya ng paumanhin sa inasal niya kanina kay Generous pero hindi niya padin pinapakitaan ng kabaitan. Mediyo tinatarayan niya ito dahil akala niya ay girlfriend ko si Generous. Kahit ilang ulit ko nang sinabi na "kaibigan" ko lang ito. Yun pa ang hindi pinaniniwalaan ng kapatid ko.
Kasalukuyan kaming umiinom ng tea sa kusina habang hinihintay na bumalik si lolo mula sa presinto. Mukhang malaking gulo nga ang nangyari dahil sa bigla kong pagkawala. Siguradong pinagalala ko ng husto ang lolo lalo pa't iniisip niya na hindi man lang ako nagpaalam. Matanda na si lolo at mahina, hindi ko tuloy alam ang gagawin ko kung sakaling may mangyaring masama kay lolo.
"Apo? Macy?" May narinig kaming nagbukas g main door. Agad akong napatayo upang salubungin si lolo.
"Po!?" Pasigaw na sagot ng kapatid ko dahil sa distansiya ng kusina sa sala.
Sabay sabay na kaming tumayo upang pumunta sa sala. Pinakahuling tumayo si Generous pero hinayaan ko na dahil makakasunod naman siya. Kailangan kong makita agad ang lolo at umalalay kung kailangan man niya ng alalay.
Nadatnan ko siyang inilalagay ang mahabang payong sa rack at kinuha ang tungkod niya bilang pamalit sa payong na ginamit niya siguro sa labas kanina. Nagsuot na din siya ng tsinelas.
"Lo." Tawag ko sa kanya. Agad naman niya akong nilingon. Halatang nagulat siya pero ang higit na ikinadurog ng puso ko ay biglang nalang siyang naluha. May kabagalan man ay agad niya akong sinalubong. Napahinto siya doon malapit sa portrait niya at napatulala ng bigla. Kaya agad ko na siyang nilapitan at niyakap. "Lolo. I'm sorry. I'm so sorry." Naluluha kong paghingi ng tawad sa kanya. Hindi ko napigilan ang luha at pagiyak. Sobrang guilt , siguro.
"Lolo?" Dinig kong sambit ni Macy sa likuran. Ipinagtaka ko na hindi gumagalaw si lolo sa kinatatayuan niya. Naramdaman kong bumaba ang mga kamay ni lolo mula sa pagkakayakap sa akin.
Sa pagtataka ko ay umalis ako sa pagkakayakap sa kanya at tinignan siya sa mukha. Tuwid ang kanyang ulo at nakatingin sa likuran ko ang kanyang mga mata. Para bang may nakita siyang kakilala na matagal niyang hindi nakita. Gumilid ako ng kaunti upang bigyan ng daan kung sino ang tinatanaw niya. Pero, bigla siyang humakbang at narinig ko pa ang pagtumba ng tungkod niya sa sahig. Tinignan ko kung sino ang tinitignan niya.
Generous.
Titig na titig siya kay Generous. Nakatayo ito sa di kalayuan sa amin. Kalalabas lang ng kusina at hindi na gumalaw sa kinatatayuan. Biglang umihip ang malakas na hangin sa kabila ng disenyo ng aming bahay. Walang hangin kanina sa loob ng bahay maliban sa aircon na dahilan ng malamig at moderate na ambiance ng buong bahay. Nakasara din ang mga bintana kaya walang papasukan ang hangin na nandirito sa paligid namin ngayon. Bigla akong kinabahan. Sa pagkakantanda ko ay may kakayahan ang Reyna na kontrolin ang hangin. Marahil ay si Generous ang gumagawa nito, anak siya ng Reyna na iyon.
Patuloy lang sa paisa-isang hakbang si Lolo habang lalong lumalamig at lumalakas ang hangin sa paligid. Sunod kong pinagmasdan ay si Generous na biglang napalunok. Nanggigilid ang kanyang mga luha at anong mang oras ay nagbabadyang tumulo.
GENEROUS'S POV (Point of View)
Despite of a thousand years that had passed I can still remember Him. I can still remember how he looks like. His face, the curve of his eyebrows, the line of his nose, his round calm eyes and his broad shoulders. How could I forget how tall he was? How could I forget how strong his presence was. How could I forget my one and only man? How could I?
When I met Elijah, I was mistaken. I thought he was him. But now, right at this moment where I am standing and holding back my emotions, I think I am now looking at the right man. The time that I heard his grumpy and manly voice a couple of minutes ago my heart started racing. My mind starts to ask a bunch of questions wherein I don't even know how to answer. My curiosity is killing me and my inner self is arguing saying that I should have visited this world before. I fee like punching my spiritual body for not thinking about it before. I should have found this man a long time ago. The same man who I'm starring at right now.
The wrinkled skin below his eyelids and cheeks, the curves at the corner of his eyes. Despite of these disguise because of living in a total different world, I could still recognize this man.
I'm not surprised, I'm anxious. I'm not happy, I'm sad.
I'm starting to blame my self. I'm starting to pity myself. How could I simply wake up every morning without worrying where are they, or where he was? How dare I not to try to find them, try to look for their whereabouts?! How could I live without reason?
"I'm sorry." These are the only words I could whisper and I could barely utter.
I can't take a single step. I can't look away. I can't even move! Does the world stopped? Does the clock stopped ticking?
I can't take my eyes off him. He's looking straight to my eyes, I can see his emotions. He's hurting, suffering and longing. I was able to see it all. And I can't do something about it for now, maybe because I don't know the first thing to do. What is the first thing to say. I badly want to hug him. But things are little different and situation is really awkward. So where we should start? I don't know!
"Lo, what's wrong?" the young lady asked. He did not answer. He's just keeping his feet in track towards me.
In my peripheral vision I noticed Elijah. He stared at his grandfather closely and gazed at the man in the large portrait. And right at that moment that my sight caught the picture. My eyes automatically flooded by my tears. The man that I remember, the man that stays in my mind and heart. It's him. The older version of the old man standing in front of me.
"I'm going crazy." Elijah said in frustration. He sat down on the sofa and stared on the floor like he'd gone crazy.
"What is happening?" She asked clueless. She took few steps to get closer to us but, Elijah quickly stood up and grab her away from me.
The next thing I know was I'm being trapped in his arms. I couldn't do anything but to cry. How could I be so heartless and selfish?! I admit, I've been foolish this past years. I've been miserable because of my own mistakes. I should've search, I should've ask and I should've move instead of sitting around.
"I missed you." he whispered. I cried again and again until my eyes stop letting my tears run through my cheeks. This is heartbreaking, so much that my heart can't handle. I feel weak and tired, my knees are trembling that it might break down. And my feelings aren't wrong, my body slowly felt the tardiness and I fell down, luckily he's with me. His embrace saved me from falling down on the floor. I want to rest, I want to sleep that is why I closed my eyes.
ELIJAH'S POV
Iniwan ko muna ang Prinsesa sa kwarto ni Macy. Hindi ko pa maintindihan ang lahat sa ngayon at naguguluhan rin ako sa nangyari. Sinubukan kong kausapin si Lolo pero nakatulala lang siya at hindi umaalis sa tabi ng Prinsesa. Gustong gusto ko mang-usisa.
Bakit parang magkakilala sila? Bakit ganun nalang ang naging reaksiyon ni Generous? Bakit siya niyakap ng lolo? Hindi ko alam kung anong dapat kong isipin. Kukumbinsihin ko ba ang sarili ko na baka ang lolo ang sinasabi niyang asawa niya? Kaya ba nagpagkamalan niya ako dahil malaking ang pagkakahawig namin ni lolo? Sino ba talaga si Lolo? Magkapareho ba sila o normal na tao ba kami ni Macy?
Napakamot nalang ako sa batok ako at malakas na bumuntong hininga. Nang makarating ako sa kusina ay naaabutan kong gumagawa ng tsaa si Macy pero sobrang bagal niya. Naka tingin siya takure na malapit ng pumito habang tinataas baba niya ang teabag mula sa tasa. Halatang hindi niya rin maintindihan ang inakto ng dalawa kanina. Biglang pumito ng malakas ang takure pero hindi natitinag si Macy sa pag-iisip kaya ako na ang lumapit para patayin ang kalan. Saka niya lang napansin na nandoon ako.
"Kuya...." tinignan ko lang siya. Binuhat ko ang takure at saka ko kinuha ang tasa sa tabi niya. May tubig na iyon at teabag. Sa sobrang sabaw niya siguro ay malamig na tubig ang nilagay niya sa cup. "........gaano mo kakilala si Lolo?" Bigla niyang tanong. Tinignan ko siya sandali saka ko tnapon sa lababa ang laman ng tasa.
"What do you mean, Macy?" Tanong ko habang nilalagyan ng mainit na tubig ang tasa.
"I mean, panganay ka. So sa madaling salita una kang nagkaisip so mas matagal mo silang nakasama. I mean kilala mo sina mama, papa or kung naabutan mo pang buhay ang lola." napahinto ako sandali. Naitukod ko ang kamay ko sa lababo.
Sa tanda kong to, ngayon ko lang naisip na magtanong. Bakit nga ba hindi ko kilala ang bawat miyembro ng pamilya ko. Bakit si Lolo ang kasama namin. Mula nang magkaisip ako, si lolo lang talaga ang alam kong pamilya namin ni Macy. Hidi siya yung typical grandfather na magkukuwento ng magkukwento. Tahimik lang siya palagi, hindi pala imik. Bibihira lang kung makausap namin siya ng matagal. Lagi lang siyang nasa balkonahe at nakatanaw sa malayo habang umiinom ng tsaa. Hindi kami mayaman, hindi kami naghihirap at ako lang ang nagtatrabaho sa amin pero laging sinasabi ni lolo na hindi ko kailangan mag trabaho. Dahil may maliit na negosyo naman daw siya. May koprahan siyang itinayo. Si Macy ay nag-aaral pero hindi biro ang eskwelahang pinapasukan niya kahit pa probinsya ang lugar namin. Pero hindi ko man lang naitatanong kay lolo kung paano at saan siya kumukuha ng malaking pera. Stable ang buhay namin, walang inaalalang gastusin. Pero alam kong maliit lang ang kinikita sa koprahan para sumapat sa pag-aaral naming dalawa ni Macy noon. Bakit hindi ko naisip yun? Ngayon ko lang narealize ang lahat ng ito dahil sa tanong ng kapatid ko.
"I'll explain everything when we get there." napalingon kami ni Macy sa entrada ng kusina. Nandoon si Lolo. Nakatayo ng tuwid at nakabulsa ang parehong kamay. There? "Yes, Elijah. There. To the place where you've been."
Napalunok ako dahil sa narinig. Tama ang hinala ko. Hindi lang siya basta lolo namin. May kaugnayan siya sa mundong kinabibilangan ng prinsesang isinama ko rito.
"Can someone please explain what the hell is happening? Ano ba ako rito kuya, lolo? Please don't let me leave hanging at the edge of a cliff." inis na sabi ni Macy. Niintindihan ko naman siya pero hindi ko alam kung nasa lugar ba ako para magsalita gayong lahat ng tumatakbo sa isip ko ay mga hinala lang. Baka at siguro.
"Pack some of your things. We'll leave before the sun sets." Sabi lang lolo saka walang lingon lingon na tumalikod at naglakad paakyat ng hagdan.
"What?! Saan tayo pupunta? Kuya, may alam ka ba?" tanong nanaman niya habang niyuyog ang mga balikat ko. Napahilamos nalang ako ng mukha at saka yumuko para matignan siya sa mata.
"Trust me, Okay? You may be clueless for now but I promise to tell you in details after confirming it myself." napabuntong hininga siya. "Go pack your things." Lalo siyang sumimangot at padabog na naglakad. "Wag ka magdaa ng marami!" pahabol kong sigaw.
"Hindi ako sasama!"
HERONUI'S POV
"Hyah!" natanaw ko ang mga parating na kawal. Umaasa ako na may mga impormasyon na sila sa mga taga mortal world na napadpad dito. isang linggo na kaming naghahanap but still, there are no traces where they are and where they headed after being chased.
"What are doing out here?" Napalingon ako kay Uncle na kararating lang. Nakabulsa ang isang kamay at inaayos ng kanang kamay ang buhok niya. Ibinalik ko ang tingin sa entrada ng palasyo at naaninag ko namang tumayo siya sa tabi ko.
"Waiting for news?" Kibit balikat kong sagot sa kanya.
"Huwag mo masiyado i-stress ang sarili, baka mapagiwanan kita niyan." Maloko pang ngumiti saka kumindat sa akin.
"Brrrr." Usal ko na kuwari ay nilalamig. "Aw!" daing ko naman ng sikuhin niya ako. "Ano ba yun?!"
"Huwag mo nga subukang magsungit! Hindi naman bagay sa'yo!" nakanguso niyang tugon. "Dapat ang tanong mo kasi ay kung saan kita mapagiiwanan!!" Sometimes I can't help but to regret that this old man is my freaking uncle. That I have a tiny blood of him running through my veins. It creeps me out!
"Saan?" walang gana kong tanong.
"Sa kagwapuhan!" mabilis at masigla niyang sagot. Walang anu-ano'y napaharap ako sa kanya, itinabingi ko ang ulo ko at tinitigan siya ng walang anumang emosyon. Saka ako tumawa ng malakas sa mismong tapat ng mukha niya.
"Talampakan ko lang yang mukha mo, Uncle. Pft!!" sabi ko sabay tawa ng malakas ulit.
"Aba't ang lakas ng tiwala sa sarili. Manang mana ka sa tatay mo."
"Gotta problem with that?" napaayos agad ako ng tayo dahil sa biglang pagsulpot ng Tatay ko. Bwisit kasi tong tiyuhin ko.
"Your Majesty." Magalang naming bati ni Uncle saka nagbow sa Harap ni Dad.
"Norm, I need a word with you." Sabi niya at pagkatapos ay nagsmula na siyang lumakad palayo. Nagsisikuhan pa kami ni Uncle ng bigla nanaman akong kilabutan. "Norm." Malamig na tawag ulit ni Dad. Pahamak talaga tong tiyuhin ko eh.
"O-oo-po. Nandiyan na!" Nauutal utal niyang sabi kaya napatawa ako ng kaunti. Hindi ko alam na may takot din pala siya sa ama ko. Kahit madalas mabiro niya ito at sinasagot sagot noon. He don't even know if he'll answer oo or opo. pft! Tinulak ko siya papunta sa kinatatayuan ng nakatalikod kong ama. Tuwid na tuwid ang pagkakatayo at mukhang naghihintay sa tinawag.
Nang makalapit na si Uncle ay aalis narin sana ako.
"Son." NAPALUNOK AKO!
"Po?" sabay hara ko sa kanya.
"I need an update about the other intruders before dinner." He said in full authority.
"Yes, Dad."
Pagkasabi ko nun ay umalis na agad silang dalawa. Umalis narin ako at saka sinalubong ang mga parating na kawal.
YES? Did I just say yes? How am I supposed to do that before the sun sets?! It's been a week now and I can't still handle the freaking tension in the whole kingdom. May mga nalalaman sila Dad na hindi nila sinasabi sa amin ng Kapatid ko. At pag sinabi kong sila, ang tinutukoy ko ay si Mom, si Dad at Uncle Norm.
"Kamahalan." Bati sa akin ni General Volter. Tumago lang ako at pinagmasdan lahat ng kawal na kababalik lang.
Mga mukhang pagod ang mga ito baka dahil narin sa walang tigil na paghahanap. Tanging ang Heneral lang ang mukhang masigla. Nakataas pa kanyang mga balikat na salungat sa kanyang mga kasama na puro nakabagsak ang balikat. Ngunit hindi ko agad napansin na may isa pang tao sa likod ni General Volter. Nakasakay sa kabayo at nakataas ang noo. Napataas ang kilay ko ng makilala ito.
"Anong ginagawa ng Reyna ng Fire kingdom rito?" Tanong ko kay General Volter. Pero bago pa man makasagot ang Heneral ay naunahan na siya ng Reyna.
"Is that how you welcome a Queen from your Father's homeland?" Taas kilay na tanong niya sa akin. Tumikhim ako bago magsalita.
"Who invited you?"
"I invited myself." may mga ngiti kanyang mga labi na nagsasabing may karapatan siyang pumarito.
Tumingin ako kay General Volter. Hindi siya makatingin ng diretso sa akin at halatang kabad dahil di mapakali ang kanyang mata. Sa huli ay napayuko nalang siya. Mukhang wala siyang nagawa dahil sa pagsama rito ng Reyna.
"Escort the Queen. Send her back home." Sabi ko saka tinalikuran ito at naglakad palayo.
"What's your problem. I think this is a big misunderstanding, Your Highness." nagulat ako ng biglang may humila sa braso ko. Lalong naginit ang ulo ko ng makitang nasa harap ko na ang Reyna. Matalim kong tinitigan ang kamay niyang nakahawak sa braso ko para sabihing hindi ko gusto ang ginagawa niya. Agad naman niya iyong tinanggal.
"Yes, I think that this is a big misunderstanding. Anong kailangan mo?" diretso kong tanong. Saka siya ngumiti ng matalim.
"That's what I like about you, Your Highness. You're really smart."
"I know." Walang gana kong sagot. "And I'm really impatient."
"I'm here for business." sabi niya. Napatingin ako sa seryoso niyang mga mata.
"What kind of business?" that was the best timing, my mom showed up out of nowhere.
"Hi, Beautiful.'' Bati ko at saka humalik sa pisngi ng Nanay ko. Nakita ko sa Peripheral vission ko ang pag-atras ng kaunti ng Reya ng Fire kingdom at paglunok bago bumati.
"Isang pagbati, Your Majesty. I believe you're well and healthy."
"What brings you here, Queen South of Fire Kingdom?" Pormal na sabi ni Mom. Mom and dad are always formal when speaking to a royalty. Regardless if it's a Queen and King or their sons and daughters. Kaya kahit sino sa kanila ay hindi makasagot gamit ang normal na pakikipag-usap. Well, My Parents have immeasurable contribution to the History and their Greatness are unbreakable.
"I...... " halatang kinabahan siya sa pagsulpot ng Reyna na Genovia. Her overflowing confidence earlier suddenly vanished. I just wish I could laugh at her. "I have an offer."
"How dare you negotiate with this Kingdom's mother. Your're talking to your Queen." Hindi ko napigilan ang sarili ko at nasabi ko iyon. Pansin ang paghigpit ng kanyang bagang.
"Let's hear it." Hindi makapaniwalang nilingon ko ang aking ina. Imbis na sumagot ay ngumiti lang siya saka umalis. Tinitigan ko si Queen South bago ako sumunod kay Mom.