Lliy POV) Di ko maipaliwanag ang hiya ko sa sarili, lalo na kay Kai. s**t! Bakit ko siya hinalikan? Bakit ko nasabi ang mga yun sakanya? Dahil sa hiya ko tumakbo na ako palabas nang kwarto niya at pumasok sa kwarto ko. Pano ko pa si Kai mahaharap ngayon? Paano? That's so humilating of me. I'm so embarrass rightnow! Nagpasya akong lumabas. Di ko alam kung saan pupunta pero kailangan ko munang lumabas ng bahay para kasing sumisikip ang mundo ko. Ang bigat ng pakiramdam ko at parang hirap huminga. "Nak, saan ang punta mo? "Tanung ni Daddy Ekon na nasa sala nagbabasa ng dyaryo. "Ah Dad lalabas lang ako sandali babalik lang ako agad. " "You take care, balik ka agad."Aniya. I nod my head. "Saan ang punta nun? "Rinig kong tanung ni Mommy Chralie kay Dad bago ako lumabas ng pinto.

