Grabe 9pm nako nakauwe sa bahay mas nakakapagod yun traffic kesa sa work ko.Sa wakas nakauwe din. Sinalubong ako ni Lolo.
"Oh hija ginabi kana ata.. Kamusta naging interview mo?
" Hi Lo bakit gising pa po kayo dapat di nyo na ako inantay mapupuyat po kayo?
"Ano ka ba naman bata ka. Nagaalala ako sau nagtxt ka 6pm pauwe kana 9pm kana nakarating.
"Grabe Lolo ang traffic sobra. Mas napagod po ako sa traffic kesa work. Tara na po sa loob.
"Kumain kanaba Hija?
"Not yet Lo akala ko po kasi makakauwe ako agad. Didnt expect the traffic.
"Sya sige ipapahanda ko ang pagkain mo.
"Rose pakihanda na ang dinner ni Mia"
"Ok po Lolo Felipe
"So ano natanggap kana kamo?
"Opo po pinagstart po agad ako ni Sir kanina after the interview pinaggawa agad ako ng plates nagustuhan nya naman po kaya sabi tanggap na daw po ako. Sinama na din po ako sa mga meetings nya para daw maging familiar ako sa work.
"E kamusta naman ang boss mo? Masungit yun apo ni Roberto na yun.
"Okay naman po. Masungit nga po hindi man lan ngumingiti. Pero di pa naman po ako nasisigawan.
"Mabuti naman. San ka nga pala n nglunch inaantay antay kita kanina e.
Akala ko kasi makakauwe agad.
"Kasi Lo after ko matapos yun plates pinagstay na nya ako. Pero pinakain naman po ako ng lunch isinabay nya po ako sa lunch. Ibinilin daw po ako ni Lolo Roberto sa kanya.
"Mabuti naman kung ganon. Kaso hija nagaalaala ako sayo.
"Why Lolo?
"Kung everyday ganyan lagi ang magiging uwe mo di ka kaya mahirapan niyan.
"Actually Lo naisip ko na yan kanina habang pauwe. I was thinking to buy a condo near the office para less hassle.
But the thing is kaya nga po ako umuwe dito para makasama din kayo.
"Ano ka ba naman bata ka. Wag ako ang isipin mo, edi pag wala kang pasok umuwe ka dito. Kesa naman ang aga aga mo aalis tas late ka nakakauwe. Saka delikado din pag maulan atleast kung magcocondo ka di ka na ganon kapagod. Wag mo nako isipin dito. Madami naman ako kasama dito andito sila Manang mo at sila Rose...
"Okay Lo thank you. Magccheck po ako sa mga condo near our office..
"Mas okay yun mas kampante ako nakakapahinga ka maayos kung ganon. Sya sige pagkatapos mo jan magpahinga ka na din. Matutuloģ na ako at inaantok na ako. Maaga ka pa papasok bukas
"Ok po Lo good night...
Grabe sa wakas nakahiga din. Kanina kopa gusto matulog bukas nako magccheck ng emails ko at di ko n talaga kaya.
Maaga pako bukas kasi ayoko maipit sa traffic..
Everyday same routine maaga ako aalis ng bahay pero late nako nakakauwe dahil sa traffic.
Sa office okay naman nakakapag adjust na ako sa work.
Lagi ako kasama sa meeting at site inspection..
After 2months of working..
Nakakapag adjust na din ako..
Morning :
"Hi Lo good morning di napo ako magbbreakfast malalate napo ako magdrive tru na lang po ako..
"Kumain ka kaya muna hija..
"Di napo Lo matratraffic nako kasi pag di pa ako umalis.
"O sya sige magiingat ka sa pgddrive.
"I will Lo. Thank you
Umalis ako sa bahay ng 6am. 7:15am nako nakarating sa BGC magdrive tru muna ako. I need to eat first baka mamaya mahilo ako. Dadaan muna ko sa Mcdo at ito lan ang nakita ko malapit sa office atleast makakain muna before the chaos start. Sa car na lang ako kakain.

After eating my breakfast 7:30am aakyat nako bago ako malate.Ayoko malate at bilin ni Leah ayaw ni Sir sa late.Need ko pa magretouch kaya dadaan muna ko sa restroom.Habang nagaantay ako sa elevator paakyat sa office ni Sir magcheck muna ako ng emails at message ko. Di pa nga pala ako nakakapagcheck sa pagod ko kagabi.
Pag on ko ng cp ko sunod sunod ang notif sa akin kaya busy ako sa pagbabasa ng message sa akin di ko napansin na kasabay ko pala sa elevator ang boss ko. Nakatutok ako the whole time sa cp ko at busy ako magreply sa mga message nila Liza Gray at Beau sa akin. Gabi kasi sa US sila kakauwe lang from work ako magstart pa lang magtrabaho.Kinuwento ko lan sa kanila na about my work kaya naging busy nako Later ko na sila tatawagana after work.
Im browsing ng for sale na condo near the office nun nakita ko malapit na akong lumabas don ko lang napansin na nasa likod ko pala si Sir. Nagulat tuloy ako nun nilampasan nya ako at nauna syang lumabas sa elevator.
"Good Morning Sir! Im sorry diko po kayo napansin kanina " nahihiya kong bati.
"Good morning. Pansin ko nga sobrang busy mo sa cp mo. Mukang madami kang kachat.
Nangiti lang ako sumagot. "Ngayon umaga ko lang po kasi na on yun phone ko mula kahapon ngayon lang ako nakapagcheck. Sorry po talaga di ko kayo napansin pumasok sa elevator.
"It's fine.. no worries.
"Good morning Sir. Hi Mia.
"Leah anong schedule ko today?
"10am site inspection in Tagaytay
Lunch meeting with Mr. Cruz
2pm site inspection in Makati project
4pm site inspection in Pasay project.
"Okay Pakiready na lahat ng kelangan ko pirmahan.And pakidalhan ako ng kape.
"Okay po Sir.
"Mia may site inspection tayu today nagdala kaba ng safety shoes mo for that.
"Yes Sir nasa kotse kopo.
"Okay good, were leaving in 30mins be ready.
Check your emails review the Tagaytay project para you know the details pagdating natin dun. I also email you the Makati and Pasay project review that also.
"Okay Sir.
"Sir eto napo ang kape nyo.
"Leah nabigay na ba kay Ms. Smith ang hard hat nya isasama ko sya sa site inspection mamaya.
"Sige po itatawag ko para po madala na dito.
"Salamat.
8:25AM
"Mia are you ready? Lets go
"Ok Sir daanan ko lang sa kotse ko yun sapatos ko po..
"Sige tas sumunod ka nalang sa kotse.
"Ok po Sir.
Pababa na kami sa parking napansin kong mejo matamlay si Sir. Actually maputla nga sya ngayon nahihiya lang ako magtanong.
Magkatapat lang ang parking namin dalawa. Nahuli ko pa syang nakatingin nahiya tuloy ako magpalit pero no choice nagmadali nako at baka mapagalitan pako..
Taray naka G63 ganda ng car..Lumapit nako sa sasakyan nya.

"Lets go. You know how to drive diba?
Okay lan ba later ikaw magdrive pabalik?
"Okay po sir no problem just tell me san ang way im not familiar pa kasi sa Manila.
"Okay sige..
"Gusto nyo ba ako na magdrive ngayon? Puwede naman. Guide me lang po san yun way.
"Okay lang ba? Im kinda sleepy pa kasi.
"Okay no problem. I waze ko nlan yun way.
"Okay.
"You sure na okay lang ahh.
"Yes kaya ko naman idrive to dont worry halos same size naman yung car natin..
"Yah nakita ko nga yun car mo kaya natanong kita if okay lan ba ikaw na magdrive..Halika na baka matraffic pa tayo.
Nagdrive nako di naman pala mahirap yun daan at di naman mahrap hanapin yun location ng site grabe ang ganda ng location ng bahay na to..Overlooking sa Taal.
"Wow ang ganda ng location Sir!
"Yes kaya kita sinama dito i want you to handle the project. Nagaaral ka din ng interior design right. Malapit na matapos tong bahay na to. Kaya pagaralan mo na mabuti. You can take photos para may reference ka. Then i want the presentation on Friday? Kaya ba?
"Okay Sir..
"Okay puwede ka na maglibot. Check the area..
Naglibot na ako sa buong property.
Grabe ang ganda dito.Magkano kaya ang lupa dito. Parang ang sarap tumira dito kasi ang tahimik tas malamig ang ganda din ng view.. Nagpicture na ako
Andami ko na naiisip na gagagawin excited nako sa design. Nakita kong busy si Sir kausap ang Engineer pagtapos ko magkuha ng picture lumapit nako kila Sir.
"Architect tapos kana?
"Yes Sir!
"Engineer Troy Camero this is Architect Mia Serene Smith. Bagong architect natin.
Nakipagkamay ako kay Eng. Camero. Guwapo din ang isang ito kaso mukang playboy..
"Nice meeting you architect..
Tumango at nginitian ko lan si Eng. Camero
"Eng. Camero Ms. Smith will handle the interior design ng bahay. So makipagcoordinate ka na lang kay Eng. Camero if may kailangan ka Architect.
"Sige po Sir..
"Tapos ka naman na diba..
I have a lunch meeting pa kasi mauuna na kami Camero.
"Okay Sir ingat!
"Lets go Mia.Ikaw na ulit magdrive okay lang?
"Okay Sir san po tayo?
"BlueHouse sa Makati ituturo ko na lang sayo..
"Okay po sir.
"Mia the meeting with Mr. Cruz i want you to listen attentively okay. Isa ka sa hihingan ko ng model design ng house na ipapagawa nya. Malaking project ang kay Mr. Cruz.
"Okay po Sir. Ano po bang project to sir
"Highend subdivision in Paranaque..
"Sound interesting sir.
"Yah pag natuloy to its a 30 hectares lot subdivision. Ang gusto nya iba ibang model ng bahay with club house,chapel and school sa loob ng subdivision. Kaya malaking project to.
15 kayong architect ang hihingan ko ng design.
"Okay sir. Noted po..
After namin sa lunch meeting with Mr.Cruz ni Sir pabalik na din kami sa office ng may biglang tumawag kay Sir.
"Hello. Yes this is Mr. Sy.
Hmm anong nangyari sa mga anak ko?
Okay i will fetch them.
On my way now.
"Mia sorry sa Northridge Montesorri tayo.I need to pickup my kids at may sakit..May sakit din kasi yung driver namin.
"Okay sir. No problem. Kayo sir mukang masama din po ang pakiramdam nyo.
"Yeah pero kelangan ko kasi pumasok at kelangan ko umaattend sa lunch meeting kay Mr. Cruz. Im sorry kung naging driver kita buong araw.
"No worries sanay naman ako mag long drive. Magrest po muna kayo nakainom napo ba kayo ng gamot?
"Yes kanina breakfast but i think i need to take a medicine again.
Hinipo ko ang ang noo ni Sir at mainit nga sya. Di lang nagsasabi. Mejo nagulat pa sya sa ginawa ko. Pagkarating namin sa parking ng school kinuha ko muna yun bag ko buti na lang lagi akong may baon na first aid at gamot sa bag ko in case of emergency.Ginising ko muna si Sir.
"Sir i have tylenol here. Take this muna. May water kaba dito sa car?
Umiiling lang sya sa akin.
"I dont have. Its okay mamaya nalang.
"I have water here sir kaso nainuman ko na to kanina. Kung okay lan sayo makishare ng water para makainom ka na ng gamot. Kasi kung mamaya kapa iinom baka tumaas pa lalo ang lagnat mo.
"Okay sige. Salamat."buti nalang at nakinig at ininom na nya ang gamot nya..
"You want ako na lang sumundo sa mga anak nyo sir just show me the picture and san ko ba pupuntahan?Pakitawagan nalang po ang office.
"Kaso baka hindi ibigay sayo ang mga bata mahigpit sila dito sa pagpickup ng student."
"Okay sir samahan ko na lang po kayo. Are you sure na kayo nyo maglakad?
"Yes kaya ko pa..
Lets go na para makauwe na din ang mga bata.