THAT night, her husband took her on a romantic dinner. The hotel staff set up a formal dinner along the beach side. May bonfire sa di kalayuan na nagbibigay sa kanila ng sapat na init para kahit paano maibsan ang lamig ng paligid na nagmumula sa hangin. Lalong naging romantic pa ang ambiance dahil sa sweet love songs na background music nila habang kumakain. Nang matapos ang dinner, nagyaya itong maglakad-lakad sila sa tabing dagat. Hawak nito ang mga kamay niya at nakasuksok iyon sa bulsa ng suot nitong pants. Bukod sa kanila ay halos walang guests doon sa resort. Nasa private island kasi ang resort na iyon doon sa Palawan, iilan lang ang nakita niyang guests mula pa kanina. Ngunit ang maganda doon ay mas mayroon silang privacy. Gaya ngayon, silang dalawa lang ang naroon sa tabing dagat

