Chapter 6

1820 Words
BIGLANG kumunot ang noo ni Sam nang parang mga iguana na naglapitan dahan-dahan ang mga kasama niya sa trabaho na nasa gilid lang ng kanyang mesa habang nakaupo sa mga sarili nitong swivel chair. Mapanuri ang tingin ng mga ito. Mapanukso at alam niyang maraming tanong ang naglalaro sa isip ng mga ito. “May gusto kang i-kuwento?” nakangising tanong ng isa sa mga kasama niya sa trabaho. Natawa na lang siya sa halip na mainis dahil mababait naman ang mga ito at lagi niyang kabiruan at kakuwentuhan. Natawa na lang si Rissa, isa sa mga kasama niya doon sa Marketing Department ng The Empire Gaming Company. Matagal na silang magkakilala nito, nagkasama sila una sa dati nilang pinapasukan factory sa Batangas kung saan siya nanirahan ng halos fifteen years. Naging magkapitbahay din sila kaya naging malapit na magkaibigan. Alam nito ang nangyari sa kanyang buhay maging ang tungkol sa kanila ni Aya. Nang mag-resign si Rissa sa dating pinapasukan ay lumuwas ito ng Maynila at dito nakahanap ng trabaho. Si Rissa din ang tumulong sa kanya na makapasok doon sa kompanya. Gaya niya ay wala itong kaalam-alam noong una na si Hiraya ang may-ari ng kompanya na pinasukan. “Oo nga,” sang-ayon naman ng Head na nila na si Emy. Huminga siya ng malalim at patuloy ang tina-type. “Ano ba kasi gusto n’yong malaman?” natatawang tanong niya. Gulat na gulat si Sam nang halos tumalon ang mga ito mula sa kinauupuan at lumapit sa kanya. “Totoo ba ‘yong sinabi ni Sir?” Natawa siya ng malakas. “Oo. Ex ko siya.” “Ay shocks! Totoo nga!” komento ng isa sa paligid na nakikinig. Napangiti si Sam nang maalala ang gulat na mukha ni Hiraya. His mixed Filipino-Dutch strong features and aura is still the same. He changed a lot for the better. Mas gumwapo ito ngayon na nagmatured na sila. Hanggang ngayon ay wala pa rin pinagbago sa kulay ng balat nito. His skin is a bit fairer now that he obviously got from his foreign descendants. He’s a lot masculine now compared before. Bumabakat ang lapad ng dibdib sa suot nitong top at kahit na pinatungan ng coat ay halata pa rin. Sa tuwing nakatayo ito sa kanyang harapan ay bahagya pa siyang tumitingala dahil sa tangkad nito. His eyes are the same hazel light brown that mesmerizes her every time she stares at them. His familiar perfectly curved nose that she loves to trace with his finger. And those kissable and natural red lips that she just tasted last night. Yes, that soft kiss. Sam is starting to be greedy and wants more of his kisses. She didn’t plan to kiss him; it was Hiraya’s own aggressive move. Hindi naman niya magawang magalit dahil hindi magawang itanggi ni Sam sa sarili na nagustuhan niya ang ginawa nito. It only means that he doesn’t change, he’s still very much comfortable with her. And it somehow makes her feel special. Naudlot ang pag-iisip niya kay Hiraya nang sunod na magsalita ang Department Head nila na naging kaibigan na rin niya. “Gaano katagal naging kayo?” tanong naman ni Emy. “One year.” “Kelan ‘yon?” “College pa. So, that was fifteen years ago,” sagot niya. “Totoo ba nag-date kayo kagabi?” Lumingon siya sa paligid. “Oo.” Kinilig ang mga ito. “Ikaw ah! May gusto ka pa rin yata kay Sir.” “Kaibigan ko ang mga kapatid n’ya, okay? Dahil iisang university ang pinasukan namin. Nakiusap sa akin ‘yong kapatid niya na makipag-date daw. Eh, dahil friends naman kami n’yan si Hiraya kahit pagkatapos namin maghiwalay. Kaya pinagbigyan ko na. Gusto ko rin naman siya makausap dahil fifteen years kaming hindi nagkita,” paliwanag niya. Bigla siyang pinihit paharap ng isa sa kasamahan niyang bading. “You mean to say? You’re working here for four months and you haven’t met him personally? Kagabi lang?” gulat na tanong nito. “Oo.” “Eh bakit? For sure naman kakausapin ka ni Sir.” Huminga siya ng malalim. “Nandito ako para magtrabaho. Ang totoo, hindi ko alam na sa kanya itong kompanya noong nag-apply ako. Nalaman ko na lang noong orientation.” “Eh anong plano mo?” tanong pa ni Emy. “Wala po. Trabaho lang. Ganoon pa rin. Pero kilala ko ‘yon eh, ngayon alam na niya dito ako nagtatrabaho, mangungulit ‘yon!” Napangiti ang Department Head nila. “Kailan ba hindi nangulit ‘yon si Sir? Saka mabuti nga iyon at para hindi na siya palaging mag-isa.” Isang ngiti lang ang sinagot niya sa huling sinabi nito. Pagkatapos iyon ay hinarap na ang mga kasama niyang nagkumpulan sa cubicle niya. “O siya, tapos na ang chismis! Back to work na!” Nang sa wakas ay lubayan na siya ng mga ito ay pasimpleng sumilip si Rissa na katabi lang ng kanyang cubicle. “Alam na niya?” pabulong na tanong nito. Biglang napahinto si Sam sa pagta-type at seryoso ang ekspresyon ng mukha na umiling siya. “Tyumempo ka. Wala ka dapat pag-aksyahan ng panahon, baka mamaya mahanap kayo ng demonyo na ‘yon eh. Sabi ng mga taga-doon sa atin sa Batangas, hanggang ngayon pinapahanap pa rin daw. Ang kaligtasan n’yo ni Hari ang importante at si Sir Aya lang ang makakatulong sa’yo ngayon. Kapag nalaman na niya ang totoo at nasa poder na niya kayo. Hindi na kayo magagalaw ng animal na ‘yon kahit mahanap ka pa niya.” “Ris, hindi ganoon kadali sabihin sa kanya ang totoo. Fifteen years akong nawala. Walang sulat. Walang tawag o text. Walang email. I kept everything from him. Paano kung hindi niya matanggap?” kabadong sagot niya. “Ikaw ang magsabi sa akin dahil mas kilala mo siya. Ganoon ba siyang klase ng tao?” Hindi siya nakakibo at napaisip ng malalim. “Hindi naman siya ganoon klase ng lalaki, pero mahabang taon na rin kasi ang lumipas. Baka nagbago na siya.” “Huwag kang mag-alala, magiging maayos din ang lahat. Kapag nagkaroon ka ng pagkakataon, huwag mo nang palagpasin. Siya lang ang pag-asa mo.” Huminga siya ng malalim at tumango pagkatapos ay ngumiti sa kaibigan. SINIKAP ni Aya na ituon ang kanyang atensiyon ng isangdaan porsiyento sa video conference kasama ang mga foreign investor. May naintindihan naman siya sa meeting nila pero panay ang sulpot ng mukha ni Sam sa isipan niya. Hindi maintindihan ni Aya kung bakit doon nagtatrabaho sa kompanya niya ang dalaga. Nang sa wakas ay matapos na ang meeting ay agad niyang binaba ang screen ng laptop. Doon tumingin sa kanya si Rafael. “May meetings pa ba ako buong araw?” tanong niya dito. “Wala na, boss.” “Good. Huwag ka munang tatanggap ng kahit anong meeting.” Pumalatak ito at umiling. “Distracted ka na naman.” Tumayo siya at tumanaw sa labas mula sa likod ng floor to ceiling na glass wall. “Hindi ko maintindihan, Rafael. RJ Shipping Lines is a big company. Until now it’s still doing very good. In fact, they are number one in the business. Walang ibang tagapagmana iyon kung hindi si Sam. Ang buong akala ko lang, hindi pa lang talaga siya ang nauupong CEO. Anong… bakit… bakit dito siya nagtatrabaho? As marketing agent?” hindi makapaniwalang lintanya niya. “Gusto mo bang alamin ko?” tanong ng kanyang assistant. Bigla siyang humarap dito. “Yes please…” mabilis niyang sagot. Lalabas na sana ito nang may biglang maalala. “Ah… wait… no…” “No?” ulit pa nito. “Oo… ah… huwag muna… kakausapin ko muna siya ng maayos.” Tumango-tango si Rafael. “Sige, you’re the boss.” Mga ilang segundo siyang nag-isip pagkatapos ay saka tumayo at lumabas ng pribadong opisina. “Saan ka kakain ng lunch, boss?!” habol sa kanya ni Rafael. “Diet ako!” nagmamadaling sagot niya saka agad sumakay ng elevator pagbukas niyon. Habang nasa loob at naghihintay na makarating sila sa eigth floor ay hindi mapakali si Hiraya. Pilit niyang pinagtatagpi-tagpi ang mga pangyayari. Kung paano sabik sa pagkain si Sam, ang simpleng apartment na tinutuluyan nito, at ngayon nagtatrabaho bilang isang ordinaryong empleyado. Unti-unti nang nabubuo ang theory sa kanyang isipan. But he wants to ask her first before concluding anything. Pagdating sa Marketing Department, mabilis hinanap ng mata niya si Sam. Nagulat pa ang mga empleyado niya nang inisa-isa ang bawat cubicle. Hanggang sa natigilan si Hiraya nang mapansin ang isang pares ng mga paa na pilit sumiksik sa ilalim ng mesa. He chuckled and shook his head. Maingat siyang lumapit at naupo sa gilid nito. “Kapag hindi ka lumabas diyan, sasabihin ko sa kanila kung anong ginawa natin sa bell tower noong nasa University tayo,” bulong niya. Doon biglang lumingon si Sam. “Siraulo ka, tumahimik ka,” mariin saway nito sa kanya. “Bakit ka nagtatago diyan?” “Pinagtataguan ka, malamang!” Tumayo siya at hinawakan ito sa braso. “Get out,” utos niya. Nakasimangot na lumabas mula sa ilalim ng mesa si Sam. Habang ang mga ibang empleyado doon ay natatawa habang pinapanood silang dalawa. “Bakit ba kasi?” Hinawakan niya ito sa kamay. “Sumama ka sa akin, mag-usap tayo.” Pilit na binawi ni Sam ang kamay at tumanggi sa pagsama sa kanya. “May trabaho pa ako, SIR!” sagot nito na pinagdiinan pa ang salitang ‘sir’. “Balikan mo na lang, halika na!” giit niya habang patuloy itong hinihila palabas ng marketing department. “Hindi ba puwedeng mamaya na?” patuloy nito sa pagprotesta. “I’m your boss. Ako ang magsasabi sa’yo kung gusto ko ipagpatuloy mo ang ginagawa mo o hindi. Now, I’m telling you to come with me and I want to talk to you.” Sam made a crying expression face and shook her head a bit. “Mamaya na, utang ng loob, Hiraya. Baka pag-chismisan tayo dito.” “The hell I care! Sasama ka sa akin o hahalikan kita dito sa harap nilang lahat?!” malakas ang boses na banta niya. Napalingon silang dalawa nang magsigawan at palakpakan ang mga tao don sa marketing department. Kinikilig na kinantiyawan pa sila ng mga ito. “Kiss! Kiss na ‘yan!” “Fine!” napilitan pagpayag nito. Pagkasabi niyon ay agad niyang hinila si Sam palabas. Bawat empleyadong makasalubong nila ay sinusundan sila ng tingin, lalo na ang kamay nilang ayaw niyang bitiwan. Kahit pagsakay sa elevator ay hindi niya binitiwan ang kamay ni Sam. Pagbalik sa pribadong opisina ni Hiraya, agad siyang lumingon kay Rafael. “I will not accept any calls or visitors. Tell them I have an important meeting,” utos niya sa assistant. “Copy, boss!” Binuksan niya ang pinto para kay Sam. “Get inside,” utos niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD