PASADO alas-sais na ng gabi nang makauwi si Sam. Naabutan niya ang anak na nanonood ng TV. Agad itong lumapit sa kanya at nagmano. Pagpunta niya sa kusina, natuwa siya nang makita nakapagluto na ito ng sinaing.
Dahil lumaki si Hari sa buhay na sapat lang, maaga itong natuto kung paano makuntento sa kung anong mayroon sila. Sa murang edad nito ay naging katuwang na ito ni Sam sa mga gawain bahay. Napalaki niya ang anak na dependent. Isang bagay na pinagmamalaki niya. Kaya kahit nasa trabaho ay hindi siya nag-aalala dahil alam niyang responsible ito.
“Mommy, hindi n’yo pa rin po kasama si Boss?” tanong nito agad.
“Hindi eh, nasa Singapore pa ‘yon. Bukas pa ang uwi.”
Nakita niya ang lungkot sa mga mata nito.
“Bakit? Namimiss mo na ba siya?”
“Opo. Hindi kasi kami nag-video call kanina eh,” malungkot na sagot nito.
“Busy kasi ‘yon, anak. May meeting siya doon kaya hindi nakatawag. Pero bukas naman nandito na siya.”
“Okay po.”
“Eh di mag-message ka sa kanya ngayon, sabihin mo namimiss mo siya. Tiyak na matutuwa iyon,” payo niya dito.
Nahihiyang ngumiti ito at nagkamot ng ulo. “Nahihiya po ako eh.”
Natawa siya at kinurot ang pisngi nito. Nang pinagpatuloy na nito ang panonood ay sinimulan naman ni Sam ang paghahanda sa mga ingredients ng iluluto niyang ulam. Nasa gitna siya ng ginagawa nang mapahinto at maalala ang napag-usapan nilang magkakaibigan ng hapon na iyon.
Huminga siya ng malalim at pinuno ng lakas ng loob at tapang ang dibdib. Pagkatapos ay nilapitan ang anak. Pinatay niya ang TV saka naupo sa tabi nito.
“Anak, may sasabihin lang muna ako sa’yo. Importante ‘to.”
“Sige po.”
Hindi pa man din siya nakakapagsalita ay nangilid na agad ang luha niya.
“’Di ba palagi mong tinatanong sa akin ang Daddy mo? Kung nasaan na siya? Bakit siya wala siya sa buhay natin? O kung iniwan niya tayo?”
“Opo. Nasaan na po siya?”
“Nagkita na kami ulit,” garalgal ang tinig na sagot niya.
Bumakas ang gulat sa mukha ng anak.
“Talaga, Mommy? Nasaan na po siya?”
Doon siya napaiyak ng husto.
“Si Boss, anak. Siya ang daddy mo.”
Nang marinig iyon ay biglang umiyak si Hari.
“Kung siya ang daddy ko, bakit ngayon lang siya nagpakita? Ayaw ba niya sa akin noon kaya iniwan niya tayo?” sunod-sunod na tanong nito.
Agad hinawakan ni Sam ang kamay nito at sunod-sunod na umiling.
“Hindi. Hindi ganoon ‘yon, anak. Ako ang may kasalanan. Hindi ko sinabi sa kanya na buntis ako. Nang malaman ko na buntis ako, hiwalay na kaming dalawa at nakaalis na siya ng Pilipinas. Naalala mo ‘yong kinuwento ko sa’yo na nangyari sa akin dati noong pinagbubuntis kita. Dahil doon sa mga pangyayaring iyon. Magulo ang isip at buhay ko noon kaya hindi ko na siya hinanap. Walang kasalanan ang daddy mo. Hindi niya alam na nabuntis niya ako. Kahit siya noong isang linggo ko lang din nasabi sa kanya ang tungkol sa’yo. Pagkatapos n’yong magkita doon sa opisina.”
Wala na siyang narinig kung hindi ang puno ng emosyon na pag-iyak ng anak.
“Sorry anak, hindi ko agad nasabi sa’yo ang totoo.”
“Iyong mga araw na pumupunta siya dito. Alam na ba niya ang tungkol sa
akin?”
Ngumiti siya sa pagitan ng pagluha at tumango.
“Bakit wala siyang sinasabi? Ayaw n’ya ba sa akin?”
Agad hinawakan ni Sam ang magkabilang pisngi ng anak at inangat ang mukha nito.
“Tumingin ka sa akin. Pakinggan mong mabuti ang sasabihin ko.”
Emosyonal pa rin na sinunod nito ang kanyang sinabi.
“Hindi ganoon ‘yon. Hindi dahil ayaw niya sa’yo kaya hindi siya nagpakilala. Ayaw ka lang namin mabigla. Pero mahal ka ng daddy mo. Mahal na mahal ka niya. Lagi siyang excited na makita at makasama ka.”
“Talaga po?”
“Oo,” nakangiting sagot niya sabay tango.
“Bukas uuwi na siya. Gusto mo surprise natin siya?”
Tumango ito pagkatapos ay yumakap sa kanya. Gumanti ng yakap si Sam sa anak.
“I’m sorry kung tinago ko sa’yo ang totoo. Bukas pagkakita mo sa kanya, hindi na boss ang itatawag mo sa kanya. Daddy na, okay?”
“Opo.”
Hinalikan pa niya ito sa pisngi. “I love you, anak. Mahal na mahal ko kayo ng Daddy mo,” bulong niya.
“WELCOME back, Sir!” salubong sa kanya ng driver niya.
“Salamat po, Manong. Si Sam, nahahatid n’yo ba sa gabi sa kanila?” tanong pa ni Hiraya pagsakay niya sa harap.
“Naku Sir, opo! Tumatanggi pa nga ng una eh. Sabi ko pagagalitan n’yo ko kapag hindi ako sumunod.”
Natawa siya at tinapik ito sa balikat.
“Good job, Manong. Mamaya may bonus ka sa akin.”
Habang bumabyahe, napansin ni Hiraya na iba ang tinatahak nilang daan. Sa halip na i-deretso sa bahay nila ay tila sa iba siya dinadala ng driver.
“Manong, saan po tayo pupunta? Hindi ito ang daan pauwi,” sabi niya.
“Eh Sir, sorry po. Nakiusap sa akin si Ma’am Sam. Ang sabi po i-deretso ko daw kayo doon sa address na binigay niya sa akin pagkagaling natin sa airport.”
Napakunot noo siya sabay kamot sa sentido. Pagkatapos ay nilabas niya ang phone at tinext si Sam.
“Sam, anong pakulo ‘to?” tanong niya.
Isang smiling emoticons lang ang sinagot nito sa kanya. Napangiti na lang at umiling. Kung ano man ang balak nito, ang sumatotal naman ay nanabik na siyang makita ang kanyang mag-ina. Five days being away from them feels like hell. Araw-araw niyang namimiss si Sam. Araw-araw niyang namimiss si Hari. Ikalawang araw pa lang ng convention ay parang gusto na niyang putulin ang trip na iyon ay umuwi na sa kanyang mag-ina. Pero pinilit niyang tinapos ang trabaho kahit mahirap. Salamat sa mga video calls at mga pictures na patuloy na pinapadala sa kanya ng mga ito.
Makalipas ang mahigit tatlumpung minuto. Nagtaka si Hiraya nang dalhin siya ng driver sa dating university na pinapasukan nila. Dahil alas-otso na ng gabi nang makarating sila doon kaya madilim na at halos wala nang tao.
“Manong, dito daw?” tanong niya.
“Opo,” sagot nito.
Sarado na ang chapel. Bukod doon ay halos wala nang mga sasakyan na nakaparada doon sa parking lot. Lumingon siya sa paligid pero wala si Sam sa
paligid.
“Sam!” tawag niya dito.
Ilang sandali pa ay may lumabas na dalawang tao mula sa isang sulok. Napakunot noo si Hiraya nang makitang kasama nito si Hari.
“Daddy!”
Natigilan si Hiraya sa narinig. Pakiramdam niya ay nagkamali siya ng rinig. Dahil sa pagkabigla ay hindi agad siya nakapag-react. Kahit ang kumilos sa kinatatayuan ay hindi niya magawa. Hanggang sa unti-unting lumapit ang dalawa. Lumingon pa si Hari sa ina. Nakita pa niya na tumango at marahan tinulak ang anak palapit sa kanya. Nang tuluyan makalapit sa kanya ay tulala pa rin siya.
“Daddy?”
Hindi na napigilan ni Hiraya ang emosyon at tuluyan na siyang naluha.
“Sinabi mo na?” hindi makapaniwalang tanong niya kay Sam.
Nakangiting tumango ito. Nang mga sandaling iyon ay tuluyan na siyang naiyak sabay kabig kay Hari palapit at yakap ng mahigpit. Naramdam niyang gumanti ito ng yakap at doon sa kanyang mga bisig ay humagulgol ito. Mayamaya ay bahagya niya itong nilayo pagkatapos ay kapwa emosyonal pa rin na tinitigan ang mukha ng anak.
“Sorry, medyo nalate si daddy ng dating ah?” sabi pa niya pagkatapos ay hinalikan ito sa pisngi saka niyakap ulit ng mahigpit. Then, he reached out his hand to Sam. Nang ipatong nito ang kamay sa kanyang palad ay mahigpit niya iyong hinawakan at hinalikan ang likod.
“Let’s go home.”
MULA doon sa University ay kumain silang tatlo sa isang restaurant. Kung noong nakaraan linggo ay masaya at kuntento na si Sam na mapanood ang mag-ama na magkasabay kumain. Lalo na ngayon alam na ng anak nila ang katotohan. Matapos doon, sa halip na dumiretso sa apartment ay inuwi silang dalawa ni Hiraya doon sa bahay nito.
Hindi niya maipaliwanag ang klaseng saya sa mukha ng anak nang makita nito kung gaano kalaki ang bahay ni Hiraya.
“Wow, Daddy! Bahay mo ‘to?!” manghang tanong nito.
“Anak, natin. Bahay mo na rin ‘to. Dito ka na titira kasama ng mommy mo, tayong tatlo.”
“Talaga po?”
Umakbay ito sa anak. “Alam mo ba? Mas malaki pa dito ang bahay noon ng Mommy mo,” sabi pa nito.
Mabilis na lumingon sa kanya si Hari.
“Talaga, ‘My?”
Natawa na tumango siya. “Oo, nak. Kaya lang hindi na sa amin ang bahay na ‘yon ngayon.”
“Tara na sa loob!” yaya sa kanila ni Hiraya.
Pagpasok sa loob ng bahay ay mabilis bumalik sa kanyang alaala ang nakaraan. She suddenly remembers her first time entering that house. Noong ipakilala siya ni Hiraya sa daddy at mga kapatid nito bilang girlfriend nito. How they secretly make out on his room, natawa si Sam nang maalala na muntik pang may mangyari sa kanila doon, hindi lang natuloy dahil muntik na rin silang mahuli ng isa sa kasambahay nito.
Nilibot ni Hiraya ang anak sa buong bahay. Pinakilala sa mga pictures na naroon ang mga kapatid at mga magulang nito. Napalingon si Sam nang lumabas mula sa kusina ang isang pamilyar na mukha. Agad itong ngumiti nang tila makilala siya.
“Samantha, ikaw ba ‘yan?” tanong ng may edad na babae.
“Manang!” salubong niya dito at yumakap.
“Oo nga, ikaw nga! Kumusta ka na?”
“Eto po, mabuti.”
“Tama ba ang nabalitaan ko, may anak pala kayo ni Hiraya?”
“Opo.”
“Naku eh, mabuti naman at hindi na mag-iisa ‘yang batang ‘yan dito. Aba eh, mula nang mag-asawa ang mga kapatid at lumipat si Sir sa Zambales naging malungkutin na dahil naiwan siyang mag-isa. Sino ba naman ang hindi malulungkot? Ang laki ng bahay pero wala ang pamilya niya.”
Nakaramdam siya ng awa para kay Hiraya.
“Ganoon po ba? Hindi niya po nababanggit sa akin.”
“Kaya mabuti na nandito na kayo. Pinakilala niya sa akin kanina doon sa kusina ang anak n’yo. Naku eh ke-guwapong bata. Mana sa ama! Napakagalang pa!”
“Salamat po.”
“Sam!” narinig niyang tawag sa kanya ni Hiraya.
“Sige po, tawag ako eh.”
Agad siyang umakyat sa second floor. Pagliko niya sa hallway ay nakita niyang nasa pinto si Hiraya at tila nakaabang.
“Nasaan na si Hari?” tanong niya.
“Ayon, nasa kuwarto ni Migs. Doon siya matutulog, pinagpaalam ko na kay Migs ‘yan. Sabi ko iyon ang gagawin kong kuwarto ni Hari.”
Napangiti siya at pinuntahan ang anak.
“Hari?”
“Mommy! Ang ganda dito! Sabi ni Daddy ito daw ang magiging kuwarto ko! Ang laki! Mas malaki pa ‘to sa bahay natin!”
Hindi mapalis ang ngiti na pinagmamasdan ang anak habang paikot-ikot ito sa loob ng kuwarto. Mayamaya ay dumating si Hiraya at may dalang tatlong paper bag.
“Oh, pasalubong ko sa’yo.”
“Wow, thank you po!”
Tinignan ni Sam ang laman at nakita ang mga damit sa loob.
“Oh, may damit pala dito eh. Iyan na lang isuot mo kapag natulog ka.”
“Sige po.”
Tumabi si Hiraya sa kanya sa may pinto at lihim na hinawakan ang kamay niya saka tinago iyon sa likuran nila.
“Ano? Okay ka na diyan?” tanong pa ni Hiraya.
“Opo, Daddy. Makakatulog ako ng maayos nito.”
“Halika ka nga dito, nak!” yaya niya.
Agad naman lumapit si Hari sa kanya. Pagkatapos ay niyakap ito saglit saka hinalikan sa mukha.
“Masaya ka ba na kasama mo na daddy mo?” tanong pa niya.
Ngumiti ito at yumakap sa beywang nilang dalawa saka tumango. Kitang-kita niya ang walang katumbas na saya sa mga mata nito.
“Opo. Masayang-masaya!”
“Sige na, magpahinga ka na. Matulog ka na at mag-aalas dose na,” sabi pa niya.
“Eh saan po kayo matutulog?” tanong pa nito.
Ngumisi si Hiraya at umakbay sa kanya. “Sa tabi ko,” sagot nito sabay kindat sa anak.
Pabiro niyang siniko ito.
“Aray,” mahinang daing nito.
“Sige na, matulog ka na.”
“Goodnight po,” sabi pa ni Hari at humalik sa pisngi nilang dalawa.
Nang maisarado nila ang pinto. Natatawa na sabay silang naglakad pagkatapos ay napalingon siya nang hawakan nito ulit ang kamay niya. Bago dumating sa kuwarto ni Hiraya, pabiro siyang huminto sa isang kuwarto katabi nito at binuksan iyon.
“Dito na ako matutulog,” sabi pa niya.
Impit na napatili si Sam nang bigla siyang buhatin nito at ipasok sa kuwarto nito. Nang maisarado ang pinto ay sinandal siya nito doon. Napalis ang mga ngiti sa kanilang mga labi at mataman tumitig sa isa’t isa.
“Let’s start all over again, Sam. You, me, and Hari.”
“Are you sure?”
Kinuha nito ang kamay niya at hinalikan ang likod niyon.
“The moment I saw you again for the first time after so many years. I knew right there and then, this time, I want to keep you forever.”
She sighed and closed her eyes when Hiraya took a step closer until their foreheads touched.
“But this is not college days. We have Hari now. Hindi na ngayon puwede ang relasyon na trip lang natin.”
Hinaplos nito ang gilid ng kanyang mukha. Kinakabahan siya sa mga sandaling iyon pero kasabay niyon ay umaapaw din ang saya sa kanyang puso. Her heart is beating so fast. The excitement inside her is overwhelming. Marahil ay dumating na ang panahon para aminin kay Hiraya ang totoo niyang damdamin, noon at ngayon.
“Look at me,” he whispered.
Sinunod niya ang sinabi nito.
“I love you,” pahayag nito.
“What?”
“Mahal kita, Samantha. Hindi ko lang sinabi sa’yo noon, but during those times that we are dating. I fell in love you. And you became my true love, my first love. Tinuloy ko ang pagpunta sa Netherlands noon para makalimutan ka at mag-move on.”
“How about now?”
“Mas lalo kitang minahal ngayon. Mas lalo kitang minahal dahil binigay mo sa akin si Hari. You made me fall in love with you again and this is much more than what I felt before.”
Umaapaw sa saya ang damdamin ni Sam. Hindi niya akalain na noon pa man ay pareho na pala sila ng nararamdaman.
“Silly, you have no idea that I fell in love with you at that time too,” natatawang pag-amin niya.
“Talaga?” gulat na tanong nito.
Marahan siyang tumango at ngumiti.
“Eh ngayon?” tanong nito.
Hinawakan niya ito sa isang pisngi.
“Pagkatapos mo akong kulitin, landiin, magpa-cute, alagaan at ipagsigawan sa lahat kung sino ako sa buhay mo. Sa tingin mo ba hindi ako mahuhulog sa’yo? Gosh, you have no idea how much I love you, Aya.”
Marahan itong natawa at hinalikan siya sa leeg.
“Finally, we’re official.”
“Yes. It’s official. But this time with honest feelings.”
Muli itong natawa. “Effective pala ang pang-aakit ko sa’yo.”
“Kahit hindi mo ako landiin. Kahit hindi mo ako akitin. I know I will still end
up with you. Because you’re the only one who can make me this fall crazy, head over heels in love with you. You are my greatest love, Hiraya. At wala nang ibang kayang pumantay sa’yo sa buhay ko.”
He bit his lower lip and gave her a sexy smile. Then, he pulled her body closer to him.
“I’ll make you officially mine tonight,” bulong nito sabay sakop ng kanyang labi.