BUKOD sa dalawang guards na nakabantay sa gate at salitan na naka-duty sa umaga at gabi. Wala na silang iba pang kasama sa bahay. Mabuti na lamang at nasa pinakalikod pa ang tinutuluyan ng mga ito, kaya hindi dinig ang ingay dahil sa kalokohan nilang dalawa.
Walang pagsidlan ng saya si Sam mula nang magsimula ang long weekend at silang dalawa lang doon sa bahay. Hindi naman sa masaya sila na wala doon si Hari, pero may mga pagkakataon na gusto nilang dalawa ni Hiraya na magkasarilinan, gaya ngayon. Parang solo nila ang mundo, gaya noong college na sa tuwing magkasama ay nawawalan na sila ng pakialam sa lahat.
Ngayon sila lang dalawa doon sa bahay, parang silang naglalaro ng bahay-bahayan na adult version. Madaling araw na kanina nang biglang magyaya si Hiraya na mag-swimming sila. Umayaw noong una si Sam dahil nakaligo na siya, pero nagpumilit ito. Lumusong sila sa swimming pool ng walang anuman suot sa katawan. And there, they made love again.
Friday na ng tanghali ng araw na iyon, bukas ng gabi magsisibalikan ang mga kasama nila sa bahay, kaya naman pinagtulungan nilang linisin ang common area ng bahay gaya ng living room, dining area at kitchen. Sa umaga ay si Sam naman ang nagdidilig ng halaman. Kahapon ay nag-order sila sa labas at pinapa-deliver dahil ayaw ni Hiraya na kumilos siya sa kusina. Pero ngayon ay siya mismo ang nagluto ng kakainin nila, at sa gabi ang usapan nila na ito naman ang magluluto.
Sinigang na baboy na paboritong ulam ni Hiraya ang niluto niya. Dahil wala naman itong ginagawa, nakabantay ito sa kanya doon sa formal kitchen. Nakaupo pa ito bar chair habang pinapanood siya. Mayamaya ay tumunog ang cellphone nito. Nagtaka siya ng mapangiti ito nang basahin ang mensahe na natanggap.
“Sino ‘yan si Hari?”
“Ha? Hindi… si Lana,” wala sa loob na sagot nito.
Mabilis nagsalubong ang dalawang kilay niya. Natatandaan ni Sam ang
pangalan na iyon. Nabanggit na minsan ni Migs na kalandian ito ni Hiraya noon bago sila nagkita ulit. If she will interpret the word ‘kalandian’, it means his f**k buddy.
Nakaramdam siya ng matinding selos. Alam ni Sam na wala siyang karapatan makialam sa kung sino man kausap nito, pero hindi siya makatiis, kaya bitbit ang sandok, umikot siya at sinilip ang phone nito. Doon lumingon sa kanya si Hiraya.
“Siya ‘yong ka-anuhan mo dati, ano?” naghihinalang tanong niya.
Sa inis niya ay natawa pa ito nang nakitang nakasimangot siya.
“Bakit ganyan ang mukha mo?” natatawang tanong nito.
Nilahad niya ang kamay. “Amina ang phone mo.”
“Love…”
“Amina sabi eh!”
Napapailing na lang na binigay nito sa kanya ang phone nito pagkatapos ay padabog na nilapag sa ibabaw ng counter ang sandok na hawak. Kulang na lang ay magbuhol ang dalawang kilay niya nang makita ang mensahe nito.
“In Maldives, still remember this place?” sabi pa nito sa chat message pagkatapos ay kalakip ng mensahe na iyon ay ang picture nitong naka-two-piece bikini na labas ang mga pisngi ng puwet nito.
“Maganda siya,” mapait na komento niya sabay lipad ng masamang tingin dito saka pabadog na binalik ang phone nito. Inirapan niya ito saka binalikan ang niluluto.
“Huy, nagseselos ka ba?” tanong pa nito habang natatawa pa rin.
“Hindi! Hindi ako nagseselos!” sagot niya na paangil.
Humagalpak ito ng tawa pagkatapos ay iniwan ang phone sa ibabaw ng counter at nilapitan siya. Niyakap siya ng mahigpit ni Hiraya mula sa likod.
“Don’t be jealous, ikaw ang mahal ko.”
Pumiksi siya saka humarap dito. “Umamin ka. Nagkaroon kayo ng relasyon? Ex mo?”
Nagkibit-balikat ito. “Love, wala kaming pormal na naging relasyon, sa kama lang. At siya mismo ang nagtapos ng kung ano man mayroon kami dahil na-in love siya sa best friend niya. But she’s just a friend now. Ikaw ang mahal ko. Kaya nga kita pakakasalan eh.”
Parang bata na lumabi siya na tipong maiiyak.
“Hmm… nakakainis naman eh… baka mamaya mas magaling siya sa akin sa…”
“Ano ba ‘yang pinagsasabi mo, love?” natatawang tanong nito sabay yakap sa kanya ng mahigpit.
“Listen to me.”
Imbes na tumingin ay iniwas niyang salubungin ang mga mata nito.
“Look at me,” sabi pa nito.
“Eh, ayoko! Doon ka sa Lana mo, still remember… still remember pa… hmmp!” naiinis na pagmamaktol niya.
“Isa! Sabi nang tumingin ka sa akin!”
Nang hindi pa rin niya ito sinunod ay hinawakan siya nito sa pisngi at puwersahan pinihit ang mukha niya paharap dito.
“Tapos na ang kung ano man mayroon kami, okay? May boyfriend na siya. And me, I already have you.”
Kinuha nito ang kamay niya at nilapat ang palad sa tapat ng puso nito.
“Ikaw na ang may-ari nito, saka ito,” dagdag pa ni Hiraya sabay patong ng kamay niya sa tapat ng p*********i ito.
“Sa iyong iyo na ako, love. Kaya huwag ka nang magselos.”
Huminga siya ng malalim pagkatapos ay tumulis ang nguso niya.
“Eh, kasi… bakit siya nagpapadala ng naka two piece, kita pa ‘yong puwet!”
Hinapit siya nito palapit at muling niyakap.
“Believe it or not, mas sexy ka! Mas makinis ka! Mas maputi ka…” sabi pa nito sabay tapat sa tenga niya ng bibig nito, “at mas magaling ka.”
Doon siya natawa.
“Weh? Binobola mo na ako,” sabi niya.
“Seryoso, ask my brother and my sisters. Few weeks before we met, isa sa naging problema ko ay ayaw gumana ng manoy ko. Ayaw sa kanya. Tinatawanan nga nila ako eh.”
Natawa na naman si Sam.
“Totoo?”
“I swear. I never slept with anyone else after her. Ikaw na ang sumunod at ikaw na rin ang huli. I never strongly desired any woman apart from you. Kaya huwag ka nang magselos, dahil ikaw, soon-to-be Mrs. Santillan, ikaw ang pinakamamahal ko. She’s just a friend now. Pero kung hindi ka komportable na kinakausap ko siya. Don’t worry, I’ll back off. I will not talk to her unless it’s about work.”
Muli siyang huminga ng malalim. “Talaga? Gagawin mo ‘yon?”
“Oo naman. Siyempre, ikaw at ang nararamdaman mo ang priority ko. Ayokong bigyan ka ng alalahanin o dahilan para maghinala o magselos. Doon nagsisimulang masira ang relasyon ng mag-asawa. I learned that from what happened to Lia and Mike.”
Ngumiti siya at binigyan ng masuyong halik sa labi si Hiraya.
“Sorry nagselos ako,” malambing nang sagot niya.
“It’s okay, it only means you really love me.”
Yumakap si Sam sa beywang nito. “Kumain na nga tayo, baka mamaya ma-overcook pa itong gulay.”
“Tara, ako nang maghuhugas ng pinagkainan natin mamaya.”