Chapter 38

1578 Words

SA ospital ang deretso nilang dalawa ni Hiraya matapos ang gulong nangyari dahil sa biglang pagsugod doon ni Jason. Mga pasa sa mukha, tiyan at likod hanggang sa hita ang tinamo ni Sam. Bukod pa doon ang sugat niya sa tagiliran dahil sa pagsaksak nito sa kanya. Ayon sa doctor, mabuti na lang daw at mababaw lang iyon. Samantala si Hiraya ay nagtamo ng isang tama ng bala sa balikat at ilang pasa sa mukha. Mag-aalas-nuwebe na ng umaga. Tulog pa si Hiraya sa kabilang kama, habang siya naman ay halos hindi nakatulog. Dapat ay nakahinga na siya ng maluwag at mas magkaroon ng dahilan para makatulog nang mahimbing. Pero hindi iyon ang nangyari. Dahil sa tuwing pinipikit niya ang mga mata ay ang imahe pa rin ni Jason ang nakikita niya. Bukod pa doon ang pananakit ng mga bugbog at sugat niya. Paul

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD