“HARI, nasaan ang daddy mo?” tanong ni Sam sa anak nang halos sabay silang lumabas ng mga sariling silid. “Hindi ko po alam, ‘My. Alis na po ako,” sagot nito sabay paalam. “Saan na naman ang punta mo?” tanong pa niya. “Sa basketball court lang po, kasama ng mga kaibigan ko.” “Sige. Mag-iingat ka.” Humalik pa ito sa pisngi niya bago nagmamadaling bumaba at lumabas ng bahay. “Love?” tawag niya sa asawa. Hinanap niya ito sa mga silid pero hindi natagpuan doon si Hiraya. Pagdating sa baba, hinanap din niya ito sa buong kabahayan pero wala pa rin ito doon. Hanggang sa mapadpad siya sa garden sa likod bahay. Doon, naabutan ni Sam ito na nakaupo sa ilalim ng swing at tila malalim ang iniisip. “There you are,” sabi niya. Nagtaka si Sam dahil mukhang hindi rin siya narinig n

