Chapter 24

1998 Words
DALAWANG buwan pa ang matulin na lumipas. Hari is now back in school. Sa school kung saan nag-aaral ang mga anak ng mag-asawang Alvin at Amihan nila in-enroll ang anak. Mas palagay ang loob doon ni Sam dahil kilala halos ng magkakapatid hindi lang ang may-ari ng school kung hindi karamihan ng mga magulang ng mga estudyante. Bukod doon ay mahigpit ang school regulations against bullying at mas lalong mahigpit ang security kaya kampante siya na safe doon ang anak. That school is one of the best and most prestigious high school in the country. Meanwhile, Sam is driving again. Nakapag-renew na rin siya ng lisensya at ngayon ay minamaneho na ang isa sa mga kotse ni Hiraya. Gusto nga siyang bilhan nito ng bago pero mariin tumanggi si Sam. Ayaw niyang masyado itong gumastos para sa kanya. At sa tulong ng tauhan ni Hiraya, nakapag-ayos na rin silang mag-ina ng passports at travel documents. Isa iyon sa gusto ni Hiraya, para daw makapag-travel silang buong mag-anak sa susunod na libreng oras nito. Isa pang pagbabago sa kanyang buhay ay nang i-recommend siya ng nag-resign na Marketing Manager bilang kapalit nito. Sinang-ayunan iyon ni Ms. Emy at sa huli ay inaprubahan ang kanyang promotion. Kaya naman ngayon ay may pribado na rin siyang opisina doon sa loob ng Marketing Department. At hindi niya nakuha ang promotion na iyon dahil sa relasyon nila ni Hiraya kung hindi dahil sa kanyang sipag sa trabaho. Ang tanging kulang na lang ay ang maikasal sila ni Hiraya. Friday. Sa halip na mag-lunch sa opisina ay lumabas si Sam para makipagkita kay Naomi. Mula ng muli silang magkita ay hindi na naputol ulit ang kanilang komunikasyon. Madalas na silang nagkakausap nito at magkasama sa personal man o sa text message o chat. “Oh, totoo nga na bumalik na ang bestfriend ko! You look gorgeous!” bungad nito sa kanya nang makalapit siya sa table kung saan ito naghihintay. Friday is wash day in the office. And for that day, Sam chooses to wear a pair of black tight jeans, a pair of beige heels designed with crystal on the straps, a white sleeveless top and a beige blazer to match. “Thanks, sorry medyo late. I came out of the meeting,” sabi pa niya. “Okay lang, halos kadarating ko lang din. Anyway, let’s order. I’m starving!” Matapos umorder at habang naghihintay sa kanilang pagkain ay patuloy ang kanilang pagkukwentuhan. “How’s the wedding preparations?” tanong pa nito. “Ayos lang, ‘yong mga events organizers ang abala,” sagot niya. “Grabe, you’re really back on track. I mean, look at you. Parang bumalik iyong Sam na nakilala ko. Sophisticated and walking fashion.” “But a better version! Noon sinusuka at halos isumpa ko ang kahirapan naranasan ko. But now, I appreciated it. Marami akong natutunan na hindi ko alam noong marami pa akong pera. Kung hindi dahil doon hindi magiging matalino, masikap at maabilidad ang anak ko.” “And yes, Hari… gosh, such a bright boy! Kumusta naman siya sa school niya?” “Ayun, super enjoy! Ang dami na daw niya agad friends. Tuwing weekends ay magkakasama sila ng mga kaibigan. Minsan nasa bahay sila, minsan naman nasa bahay ng friends niya. He’s living the best life.” “Glad to hear that.” “At kayo naman ni Aya? Kumusta kayo?” Ngumiti siya. “We’re great. May mga pagtatalo o away minsan, pero hindi naman mawawala iyon. I wouldn’t have it any other way, I’m so contented with what we have.” “Such a perfect life, right?” nakangiting komento pa ni Naomi. Bumuntong hininga si Sam. “Minsan nga natatakot ako eh. Para bang it’s too good to be true. Masyadong perfect. Ewan ko ba, napapraning lang yata ako,” natatawang sabi pa niya. “Maybe because nasanay ka na sa nakalipas na fifteen years na kaliwa’t kanan ang problema mo. Kaya ngayon maayos na buhay mo, ang hirap pa rin paniwalaan.” “Yeah, sa tingin ko tama ka.” Nang dumating na ang kanilang order ay agad silang nagsimulang kumain. Nagpatuloy ang kwentuhan nilang magkaibigan. Halos mahigit forty-five minutes din silang magkasama bago agad din nagpaalam sa isa’t isa. Gaya niya, kailangan din bumalik agad ni Naomi sa trabaho nito. Naglalakad na siya sa mall papunta sa parking area nang biglang may humablot sa braso niya sabay pihit paharap sa kanya. Tila nawalan agad ng lakas sa tuhod si Sam nang makita kung sino iyon. Napaupo na lang siya sa sahig at natulala. Mabilis siyang nabalot ng takot. Walang iba kung hindi si Jason Dominguez. Ang lalaking naging bangungot sa buhay nilang mag-ina sa nakalipas na dalawang taon. “Nakita rin kita sa wakas,” nanlilisik ang mata na sabi nito. Dahil sa pagkabigla ay hindi siya nakakilos o nakapagsalita agad. Bumalik ang kanyang trauma bunga ng pang-aabuso nito. Nanginig ang buong katawan niya at nagsimulang manikip ang dibdib at nahirapan huminga. Paano sa laki ng Maynila ay nakita pa sila nito? Ang buong akala ni Sam ay tuluyan na nila itong natakasan noong araw na bigla itong dumating sa dating apartment na tinutuluyan nila. “Anong akala mo basta ko na lang kayo hahayaan ng anak mo?” sabi pa nito. “Hi… Hiraya… tulungan mo ako,” nanginginig sa takot na sabi niya sa kanyang isipan. Tinignan siya ng lalaki mula ulo hanggang paa pagkatapos ay ngumisi. “Maganda ang bihis mo, mukhang asensado ka na,” sabi pa nito saka muli siyang hinagod ng tingin na puno ng pagnanasa. “Tumayo ka,” utos nito sabay hila sa kanya patayo. “Halika na, umuwi na tayo,” sabi pa nito. Nang simulan siya nitong hilahin palayo. Pilit kinondisyon ni Sam ang kanyang isip. Nilabanan niya ang kanyang panic attack na nararamdaman sa mga sandaling iyon. Ang kailangan niya sa mga sandaling iyon ay lakas ng loob at presence of mind. Hindi ito ang oras para maging mahina. Mabilis niyang naisip si Hiraya at Hari. Ang bahay nilang mag-anak at ang buhay na mayroon siya ngayon at ang pangarap nilang dalawa ni Hiraya magkasama nilang binuo. Dalawang taon. Dalawang taon siyang naging sunud-sunuran sa lalaki dahil sa takot. Nagtiis siya sa mga kahayupan, pambababoy at pagpapahirap nito sa kanya sa ngalan ng pagbabayad ng utang ng loob. At tapos na si Sam sa lahat ng iyon. Ayaw na niya ng ganoon klaseng buhay. Ayaw na niyang gumising at matulog na may takot sa puso. She’s done. And she will fight for her life, for Hari and most of all, for Hiraya. Bigla siyang pumiksi at binawi ang braso sabay hakbang paatras. Tila nagulat si Jason sa ginawa niya at natulala na lang ito. “Hindi na ako sasama sa’yo,” lakas-loob niyang sabi. “Ano?” gulat na tanong nito. “Hindi na ako sasama sa’yo, Jason. Tapos na ang pagbabayad ko ng utang ng loob sa’yo. Hindi ko na hahayaan abusuhin mo kami ng anak ko ulit. Wala kang karapatan saktan kami. Kailan man ay hindi tayo nagkaroon ng relasyon. You raped me! Pinuwersa mo lang ang sarili mo sa akin dahil halagang fifty thousand na nagliligtas sa buhay ng anak ko! Sinamantala mo na mahina ako noon. Kaya tama na. Tantanan mo na ako. Buhay at dangal ko ang siningil mong kabayaran sa utang ko sa’yo. At nabayaran ko na ‘yon. Sobra-sobra pa. Hindi na ako ang nakilala mo. Eto ang totoong ako. At hindi mo na ako madidiktahan pa.” “Hindi ka puwedeng umalis. Hindi ba’t sinabi ko sa’yo na ako ang magsasabi kung kailan ‘to matatapos?” angil nito sa kanya. “Tapos na ako sa pagiging laruan mo. Humanap ka ng ibang babaeng handang maging parausan mo!” mariin at buo ang loob niyang sagot pagkatapos ay sabay talikod. Nakakailang hakbang pa lang siya nang muli siyang hablutin nito sabay hila sa kanya at puwersahan siyang sinasama. “Bitiwan mo ako!” sigaw niya na siyang nakakuha ng atensiyon ng mga tao. “Sinabi nang sumama ka sa akin eh!” Sa tuwing hinihila siya nito ay pilit na nanlalaban si Sam. Hanggang sa tila mawalan ito ng pasensya at bigla siyang sinampal ng malakas ng dalawang beses kaya napaupo siya sa sahig. Napasigaw ang mga taong nakakita sa nangyayari. Nang akma siyang lalapitan nito. Bigla niya itong sinipa ng malakas. Pasalamat si Sam dahil nag-heels siya ng araw na iyon. Ginamit niya ang takong niyon at iyon ang tumama sa p*********i dito. Dahil doon ay napahiga ito at namilipit sa sakit. “Takbo na ate!” sigaw ng mga tao. Agad siyang tumayo at mabilis na tumakbo palayo kahit mataas ang suot niyang sapatos. “Sam!” malakas na sigaw nito pero hindi siya lumingon. Nanginginig ang buong katawan na sumakay siya agad ng kotse pagdating sa parking lot. Nagmamadali na pinaandar niya iyon at tuluyan umalis ng mall. Tuluyan na siyang naiyak sa takot dahil sa mga nangyari. Habang nagmamaneho ay kumikirot ang gilid ng kanyang labi at panay ang lingon niya sa likuran. Takot na baka nasundan siya ni Jason. Nang mga sandaling iyon, wala siyang ibang nasa isip kung hindi ang makita si Hiraya. Makalipas ang ilang sandali pa, sa wakas ay nakarating na siya sa opisina. Hindi na inintindi ni Sam kung anong idadahilan kay Hiraya. Basta ang gusto lang niya ay makita ang nobyo. Mula sa basement parking ay agad siyang sumakay ng elevator. Ang mga kakilala niya ay nagulat nang makita siya. “Sam, anong nangyari sa’yo?” tanong ni Marcia nang makasabay niya ito sa elevator. Bakas sa mukha at tinig nito ang pag-aalala. Emosyonal na tumingin siya sa kaibigan. “G-Gusto n-n’ya akong kunin, Marcia. Gusto n’ya akong kunin,” paulit-ulit na sabi niya habang umiiyak. “Oh my gosh,” sabi pa nito saka siya niyakap ng mahigpit. “Pumunta ka na muna kay Sir. Ako nang bahala magsabi kay Rissa at Ma’am Emy. Kaya mo ba?” Wala sa loob na tumango na lang siya. Pagdating sa top floor kung saan naroon ang opisina ni Hiraya. Nagulat si Rafael nang makita siya. “Maa’am! Ano pong nang—” Hindi na niya halos pinansin si Rafael at basta na lang pumasok sa opisina ng nobyo. Naabutan niya itong may kausap nga ito sa phone at nang makita siya, mabilis nagbago ang ekpresiyon ng mukha nito sabay balikwas ng tayo. “Hello, pare, I’m sorry but I’ll call you back later. It’s an emergency,” sabi pa nito sa kausap pagkatapos ay binaba ang phone. Agad siyang nilapitan ni Hiraya at ginaganap ang kanyang mukha. “Anong nangyari sa’yo?!” puno ng pag-aalalang tanong nito. Sa halip na magsalita ay bumuhos ang emosyon ni Sam. Lahat ng naipon na takot sa kanyang puso ay tila bumuhos ng mga sandaling iyon. Pakiramdam niya ay nasa paligid lang si Jason at handa siyang kunin mula kay Hiraya. Walang kahit isang salita o letra ang lumabas sa kanyang bibig, maliban sa tunog ng kanyang pag-iyak. When Hiraya held her in his arms and embraced her tight. Doon pa lang niya naramdaman ang kapayapaan at kaligtasan. Habang patuloy siya sa pag-iyak at yakap nito. Lumapit ito sa phone nang hindi siya binibitiwan at tinawagan si Rafael. “Call someone from the clinic! Faster!” utos nito pagpasok ng assistant. “Love, look at me. What happened?! Sinong gumawa sa’yo nito? Naaksidente ka ba?” Pumikit siya at umiling. “Huwag mo akong ibibigay sa kanya, please… huwag mo akong ibibigay… kunin n’ya ko… kunin n’ya ko!” tila wala na sa sarili at paulit-ulit niyang sambit. “Kanino? Sino ang gustong kumuha sa’yo? Sam, talk to me!” Hindi na siya nakapagsalita nang manginig ng husto ang buong katawan niya at nahirapan siya sa paghinga. “Samantha! Sam!” sigaw nito. Naramdaman na lang niya na binuhat siya nito palabas ng kuwarto. Ilang sandali pa ay tuluyan na siyang nawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD