CHAPTER 20

2001 Words
MIRABELLA CRUZ  Mabilis ang aking paghinga at mahigpit kong niyakap si Donat. Mahimbing ang tulog nito. Naalala ko bumisita nga pala si Astrah dito noon at alam niya na buntis ako. She threw a lot of accusations kahit na hindi pa niya naririnig ang paliwanag ko. Dapat hindi na ako nakakaramdam ng kaba o takot dahil lang sa nakita ni Alesteir ang anak ko. Mataas ang pride ni Alesteir. Hinding-hindi niya ibaba ang sarili at hindi siya magmamakaawa sa akin kahit na malaman niya na anak niya si Donat. Narinig ko ang pagbukas ng pinto at alam ko na si Krome iyon. "Krome, sasama ka ba na mag-grocery sa amin?" Sigaw ko dahil nasa kwarto kami ni Donat at binibihisan ko ito. "Hindi na, ate. Mag-re-review ako, may quiz kami bukas," papalapit ang boses niya at tingin ko ay papasok na ito sa kanyang kwarto. Humalik sa pisngi ko si Donat at tumalon ito pababa ng kama. Alam kong pupuntahan niya si Krome dahil hindi umuuwi si Krome ng walang pasalubong sa kanya. "Kuya! Binili mo ako ng lollipop?" "Binili kita ng lato-lato!" "Yehey! Lato-lato!" Napailing nalang ako habang naririnig ang usapan sa pagitan nila. Lumabas ako ng aming silid at nasilip ko na sinusuotan ni Krome ng sapatos si Donat. "Huwag ka masyadong makulit para hindi mainis sa iyo si ate. Huwag ka rin takbo ng takbo kung saan kasi baka kuhanin ka ng malaking tao." "Opo, kuya. Doon lang ako sa gilid— nag-la-lato." "Maling desisyon ata na ibili kita niyan. Mukhang sasakalin ako ni ate sa mga susunod na araw." Napabuntong-hininga nalang ako. Dahil sigurado ako na mag-aaway kami ni Donat dahil sa ingay ng bagong laruan nito. Pumunta ako sa living room habang inaayos ang bag ko. "Krome, may ipapabili ka ba?" "Kape, ate." "Ano ba iyan? Malapit ka ng maging kape na may konting tao." "Hindi naman, ate. Exam ko bukas. Hindi ako pwedeng maalis sa pagiging Valedictorian, ate." Umalis na kami ni Donat. Hindi niya mabitiwan ang bago niyang laruan at alam kong nabubwisit na rin ang mga tao sa jeep kaya humihingi nalang ako ng dispensa sa kanila. Bumaba na kami at naglakad papunta ng grocery store. "Mama! Mik-mik!" "Nagtitipid tayo saka sasakit lang ang ngipin mo diyan." "Mama, itlog butiki." "Bakit ko ba sinama itong anak ko?" Napahawak na lamang ako sa aking noo dahil sa kakulitan niya. "Donat, baby, mga kailangan lang natin ang bibilhin natin. Wala pang sahod si mama." Ngumuso ito at ibinalik ang plastik shelf. Nangungulit ito dahil kinumpiska ng guard ang laruan niya. Malamang ay rinding-rindi na rin ang mga ito sa ingay niyon. "Gusto ko turon, mama." "Okay, okay. Ibibili na kita. Huwag ka na ngumuso." Hindi kami nagtagal sa grocery dahil magluluto pa ako ng dinner. Ang tagal namin dahil nagwala pa si Donat nang hindi na makita ang laruan nito. Sabi ng guard ay nabigay niya sa iba ang laruan at nangako ito na papalitan nila iyon. Hindi namin alam ang gagawin dahil hindi ito tumigil sa pag-iyak. Mahalaga sa kanya ang laruan na iyon dahil bigay iyon ni Krome sa kanya. "Pasensya na po talaga," saad ng guard. Naghihirap ang mukha nito. "Madami po kasi na kumuha ng baggage kanina." "Ayos lang po. Mahal lang niya ang laruan na iyon dahil bigay iyon ng kuya niya sa kanya." Hindi ko makarga si Donat dahil nagpapabigat ito. Tumigil lang si Donat nang bigyan siya ng mik-mik at itlog-butiki. Ngunit lumabas kami sa grocery na iyon na umaagos pa rin ang luha niya. "Mama, balik tayo doon bukas." "Oo, babalik tayo. Huwag ka nang umiyak, baby. Tingnan mo, ang dami mo ng sipon sa damit." "Balik tayo, ha? Bukas?" "Opo." "Okay," mahina niyang sambit at tumingin sa baba. Nakauwi na kami at binuksan ko ang pinto. Lugmok pa rin ang itsura ni Donat dahil sa nawalang laruan. Nadatnan ko si Krome na nakahiga sa sofa at may libro sa ibabaw ng dibdib nito. Sakop nito ang buong sofa dahil sa tangkad nito. Ngayon lang nag-sync-in sa akin na nalagpasan na niya ang height ko kahit na wala pa siya sa edad na eighteen. Sinabihan ko si Donat na huwag mag-ingay dahil nagpapahinga ang Kuya Krome niya. Pumasok ito sa kwarto namin para magbihis. Binaba ko sa kusina ang grocery at nakita ko ang mga papel na nagkalat sa mesa. Malamang ay lumipat ito sa labas dahil nakakaramdam siya ng antok sa kwarto niya. Isang kakaibang envelope ang nakita ko habang inaayos ang gamit nito. Binuksan ko ito ag binasa. It's a letter of approval to be an exchange student in Japan. Napangiti ako ng malawak dahil sa natanggap nito na oportunidad at malaman na nagkakabunga ang mga pagsusumikap niya. Ngunit nakakapagtaka na hindi niya ito sinabi sa akin. Tatlong araw na ang nakakaraan simula noong matanggap niya ang sulat. Tiniklop ko pabalik ang sulat at itinuloy ang pagliligpit. Nagluto na ako at habang kumakain ay kinukwento ni Donat ang naging sitwasyon sa grocery store. Hindi naman nagalit si Krome sa kanya at nangako na ibibili nalang siya ulit. "Huwag mo masyadong i-spoiled iyang pamangkin mo, Krome. Saka hindi naman ganoon kalaki ang ipinapabaon ko sa iyo tapos uubusin mo pa kay Donat." "Okay lang, ate. Libre naman ang pagkain ko sa school." "Kahit na. Sigurado na may gusto ka rin na bilhin para sa sarili mo. Kaya huwag mo na masyadong gastusin iyon kay Donat." "Narinig mo iyon? Wala ka na raw pasalubong," pang-aasar nito. Bumagsak ang balikat nito at tumingin sa baba. "Okay po." Ginulo ni Krome ang buhok ni Donat at kinurot ang pisngi nito. "Bukas may supresa ako sa iyo." Nagliwanag ang mukha ni Donat at lumawak ang ngiti nito. Nagbuntong-hininga ako dahil desisyon na ito ni Krome. Pagkatapos kumain ay nagpunta na agad si Donat sa harap ng telebisyon at nanuod ng spongebib. Nang matapos na kami magligpiy ay naiwan si Krome sa harap ng mesa at tinutukan na ulit ang pag-re-review. Pinagtimpla ko ito ng kape at naghanda ng mga chips dahil alam kong aabutin na naman siya ng madaling-araw. Naalala ko na may dapat nga pala kaming pag-usapan kaya humila ako ng upuan sa tabi niya. Nagtataka ito na tumingin sa akin. Magkasalubong ang makapal nitong kilay. "Krome, bakit hindi mo sa akin sinabi na nakapasa ka bilang exchange student sa Japan?" Nagulat ito ngunit nakabawi rin agad. "Hindi na kita aabalahin doon, ate. Hindi naman natin kaya ang gastusin doon." "Pero nagandang opportunity iyon sa iyo. Hindi ka ba nanghihinayang?" Hindi ito nagsalita. Ako ang nagpalaki kay Krome. Walang oras na hindi kami magkasama kaya ang katahimikan niya ay kasagutan na naghihinayang ito ngunit wala kaming magawa. After ng long silence, nagsalita na ito. "Mababaon lang tayo sa utang. Malapit na rin mag-aral si Donut. Tapos nag-iipon pa tayo ng pang-bail ni itay. Hindi nalang, ate. Okay na ako rito." "Gagawa si ate ng paraan, okay? Ako ang bahala. Ang dapat na inaalala mo lang ngayon ay ang mag-aral. Kaya natin ito." Lumiwanag ang mukha nito. "Talaga, ate?" "Oo. Syempre, responsibilidad ko iyon bilang ate sa iyo. Hindi ko hahayaan na mapalagpas mo ang magandang opportunity na ito. Promise ni ate, okay?" Niyakap niya ako ng mahigpit. "Salamat, ate! I love you!" "Love na love rin kita. Kahit na lagi mo akong iniinis." Dalawang araw ako nagre-research para sa paghahanda sa admission ni Krome. Mag-isa lang ito roon kaya gusto ko na nasa maayos siya na sitwasyon. Nagtanong ako sa iba't-ibang social media groups at nag-personal message rin sa iba't-ibang tao upang magtanong. Hanggang sa ma-meet ko si Miss Hannes. Isa sa mga officials ng foundation na maaaring makatulong kay Krome na makakuha ng sponsors. Napatingin ako sa phone at agad na sinagot ang tawag nang makita ang pangalan ni Ms Hannes. "Hello, Ms Hannes, how are you?" "Mira, I have good news! We found a sponsor and he would like to meet you," masayang bati nito at ramdam ko ang excitement nito. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil dininig niya ang panalangin ko at pinadala niya sa amin ang anghel sa lupa na si Ms Hannes. "Oh, thank goodness, Ms Hannes! Krome will be in cloud nine when he hear about this." "The sponsor asked to meet you alone first to discuss the arrangements and then when you agree, he will process everything including visa, accommodations, and tuition fees." "Yes, yes! I am happy to meet him or her. Kindly let me know the time and place." "Brilliant! I'll keep you posted, okay?" "Thank you, Ms Hannes! Thank you so much! You are the blessing to our family." "My dear Mirabella, you don't have to thank me. Krome is a genius. Me and my team are satisfied that we are able to help such an amazing boy. We are sure that he will do well." Walang hanggang pasasalamat ang namagitan sa amin. Hanggang sa naisip ko ang sitwasyon namin ni Donat. "Ms Hannes, I have a question if you don't mind." "I don't, go ahead." "I... I have a kid and his father is... out— uhm, working. There is noone available to take care of him. Can I bring him during the meeting?" "I'll have to ask that, too. I'll keep you posted but I'm sure it will be alright." "Thank you, Ms Hannes. Bless your heart." Kinabukasan ay nag-send si Ms Hannes ng mga impormasyon na kailangan ko sa meeting. Inayos ko kaagad ang schedule dahil sa susunod na araw ay kikitain ko na ang sponsor na pumili kay Krome. Addie ang pangalan nito at sa Circuit pa ang opisina niya. Isang bag pack ang dala ko dahil nagbaon ako ng mga damit na pamalit kay Donat pati na rin ang mga snacks nito upang hindi siya mag-attitude sa biyahe. Dahil from Bulacan to Manila pa kami ay mahaba ang biyahe kaya pinaghandaan ko ito. Pati jacket ay nagdala rin ako sakali na maginaw si Donat sa bus. Nang sumakay kami ng jeep ay naka-mask si Donat dahil alam ko ang usok ng Metro Manila. Nakarating kami sa Circuit at naglakad pa ng kaunti dahil hindi na route ng jeep ang building. Binigay ko ang aking ID at nakakuha ng visitor's pass. May energy si Donat dahil buong biyahe ito na natulog. Habang nag-aabang ng elevator ay inayos ko ang damit namin at nagpabango upang hindi kami amoy labas. "Bago tayo pumasok sa loob, ano ang bilin ni mama?" Tanong ko habang nasa loob ng elevator. 25th floor pa ang opisina at kinakausap ko si Donat upang hindi niya maramdaman ang movement ng elevator. "Bawal maingay. Bawal makulit. Bawal maging masungit." "Ano pa?" "Maging mabait at ngumiti palagi. Mama, mag-wave ako sa kanila?" "Pwede, yes." Lumabas na kami ng elevator. Pinisil ko ang kamay nito na hawak ko. "Okay. Papasok na tayo, ah? Bawal mag-attitude sa loob." "Yes, mama." Nakatingin sa amin ang receptionist. Nakarinig ako ng click tanda na in-open nito ang lock. Tinulak ko ang glass door. Matamis ang ngiti ko nang batiin ito. "H-hello, uhm, we're here to meet Mr. Addie" "Mister Addie?" Nilabas ko ang business card upang ma-check niya iyon. "Oh, it's A.D not Addie." "I'm very sorry. Thank you for correcting me." "No problem. Please wait here for a minute, I will call his secretary." Hindi nagtagal ay lumabas ang isa pang babae at sinabihan ako na sumunod sa kanya. Sa dami ng meeting room dito na puro glass door, huminto kami sa harap ng wooden door. Tila alam ng lahat kung gaano na importante ang silid na ito. Kumatok ang babae. "Sir, Ms Cruz is here for your meeting." "Let her in," kumabog ang dibdib ko nang marinig ang malalim nitong boses. "Thank you," saad ko sa sekretarya nang papasukin niya ako. Sinara nitong muli ang pinto. Ngumiti ako ng matamis. "Uhm, good morning, Mr A.D. Thank you for making time to meet us." Umikot ang swivel chair at nawala ang kulay sa aking mukha nang masilayan ang mukha nito. Natunaw din ang ngiti sa aking labi. It was Alesteir.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD