Chapter 4

1156 Words
"Good morning, Sir." bati ng secretary ni Jayson pagpasok niya ng opisina. "Good morning, Clarrise." "Bring all the documents needed to be signed and reviewed at my office." "Prepare me also my usual morning coffee." utos niya sa kanyang secretary. "Yes, Sir." "Siya nga po pala Sir, tumawag si President Arriti," pahayag ni Clarisse habang nag - aayos ng mga papel. "I- remind daw po kita na pumunta ka sa office niya, Friday at 2:00 pm." "Thank you for reminding me." "Buti na lang sinabihan mo ako, nakaligtaan ko na kasi sa dami ng iniisip ko." "By the way, remind me again on Friday morning about it." "Yes, Sir." Sa loob ng opisina ay hindi wala sa sariling inisa - isa ang mga dokumento na ipinasok ng kanyang secretary. Maya - maya ay tumunog ang intercom. "Yes, Clarisse "Sir, there is a call for you on line 2, would you take it?" marahang tanong ng secretary. "Ok, connect it now." "I'll take it." sagot ni Jayson "Where the hell did you spend the night!" Halos mabingi si Jayson sa tinig ni ng kanyang ama na si Hector Arriti na nasa kabilang linya. "Papa, I am not a teen- ager anymore." mahinahong sagot niya sa ama. "Yeah, you're not!" sarkastikong patuloy ng kanyang ama. "But you act like one!" "Papa, ang aga - aga pa, let's talk later." "I need to review some documents first." "I will let you pass this time but on Friday we'll have to settle everything!" "And stop banging every girl that you meet, it's time for you to settle down!" madiin na turan ni Hector bago pinutol ang usapan. Bigla siyang napaisip sa sinabi ng ama. Hindi naman siya ganun na lahat ng makilala na babae ay ikakama. Isa lang naman ang ikinakama niya, ang kasintahan niyang si Tatyana Montenegro. Inabala na lamang niya ang sarili sa mga gawain sa opisina at inayos ang sarili para sa mga scheduled meeting para sa araw na iyon. …………. "Mom, can I continue my modeling even after marriage?" malambing na tanong ni Emma sa ina. "I'll ask your Dad Baby, wala pa kasi ng pormal na usapan kung ano nga ba ang set - up ninyo ni Jayson after the marriage." mahinahon na paliwanag ng ina ni Emma. "I really want to continue my career in modeling, besides ayoko ko po na umasa sa magiging asawa ko sa lahat ng pangangailangan." "I want to be independent, I can survive without his money," paliwanag ni Emma. "Ayoko na isipin niya na I am after his money." "I understand you Baby, I don't want to push you to do this for us," usal ni Mrs. Smith. "Maybe your Dad can find another way to solve this mess in our business." malungkot na turan ni Mrs. Smith sa anak. "No Mom, I will do it for you and Dad," determinadong sagot ni Emma. "All I want to ask is for my future husband to let me continue my modeling job." "We will raise it when they come for the arrangement contract Baby." "Thank you Mom." "Don't hesitate to tell me if you want to back out,Baby." panghihikayat ni Mrs. Smith. "No, it's ok Mom, I just have to rest for a while." "Ok Baby, just go to my room if you need me." "Yes Mom," sagot ni Emma sa ina. Mahabang buntong hininga ang pinakawalan ni Emma pagkaalis ng kanyang ina. Bakit nga ba siya pumayag magpakasal kay Jayson Arriti. Maaari naman siyang tumanggi kaya lang ayaw niyang biguin ang kanyang ama. Ito ang kauna- unahang pagkakataon na humingi sa kanya ng pabor at hindi niya ito kayang pahindian. Mahal na mahal niya ang magulang niya at ayaw niyang mahirapan ang mga ito kaya handa siyang gawin kahit na ano para sa mga ito. Ngunit ito lang ba ang dahilan kaya pumayag siya. FLASHBACK "Emma, nakikita mo ba 'yong paru paru sa hardin?" tanong ng batang kausap niya. Mas matanda ito sa kanya ng apat na taon, pitong taong gulang pa lang si Emma noon at labing - isang taon gulang naman ang batang kausap niya. "Oo, bakit?" naguguluhan na tanong ng batang si Emma. "Ako ang paru - paro, ikaw naman ang bulaklak." tugon ng batang kausap ni Emma. "Ha? paano ka naman naging paru - paro wala ka namang pakpak?" mas lalong naguluhan na tanong niya sa kausap Napatawa naman ang kausap niya. "Hindi ko naman kailangan ang pakpak," paliwanag nito. "Ang ibig kong sabihin ng ako ang paru - paro ay…." "Ano nga, hindi kita maintindihan tsaka paano naman ako magiging bulaklak?" pangungulit ni Emma. "Eh, hindi naman ako halaman." Lalong natawa ang batang kausap ni Emma. "Ganito kasi 'yon, paglaki natin liligawan kita kaya ako ang paru paro, kasi ako ang aliligid sayo at ikaw ang bulaklak dahil magiging dalaga ka." mahabang paliwanag nito kay Emma. "Hoy, ang liit ko pa para ligawan, isusumbong kita kay Daddy at Tito, lagot ka." pagbabanta naman ni Emma. Napahalakhak ng malakas ang batang lalaki na walang iba kundi si Jayson Arriti. Magkaibigan ang pamilya ng dalawa kaya madalas ay panauhin sa bahay nina Emma ang magulang ni Jayson o di kaya naman ay ang magulang ni Emma ang pumupunta sa tahanan ng mga Arriti sa mahahalagang okasyon. "Kaya nga sabi ko paglaki natin." pangungumbinsi pa nito kay Emma. "Ah basta, ayoko ang liit ko pa." mataray na sagot ni Emma. "Tsaka ayokong maging bulaklak!" madiing wika ni Emma. "Alam mo ang cute mo pag nagagalit." "Hindi ako galit, basta ayoko lang maging bulaklak kasi pipitasin nila ako!" inosenting giit ng batang si Emma. Lalo lang napatawa ng malakas si Jayson dahil napaka - inosenti ng mga katwiran ni Emma. "Hindi ka nila pwedeng pitasin dahil ako lang pipitas sa'yo." "Hah, ayoko ko nga at hindi ako magiging bulaklak!" maiiyak ng giit nito sa kausap. "Lalo ka nagiging cute kapag naiiyak ka na sa galit." pang -aasar lalo sa kanya ni Jayson. "Ayoko na sa'yo, hindi na kita kakausapin kahit kailan, tse!" singhal ni Emma. "Wala ka namang ibang kalaro kaya wala kang ibang makakausap." pambubuska pa nito kay Emma. "Marami akong kausap hindi lang ikaw, marami akong friends, iniwan ko lang sa bahay!" sigaw niya kay Jayson. "Mga manika naman 'yon ikaw lang nagsasalita kaya hindi usap ang tawag dun." "Basta ayoko na sa'yo, ayoko na sa'yo, period, ampanget mo!" nagmamaktol na turan ni Emma. "Hahaha paglaki natin babawiin mo yan." "Ma'am Emma," tawag ng katulong nila sa pinto ng kanyang kwarto. Napapitlag siya saglit sa mga alaala ng lalaking pakakasalan niya. Madalas siyang nitong asarin ng bata pa sila. Nagtaka na lang siya ng isang araw ay para bang umiiwas na ito sa kanya ng nagsisimula na siyang magdalaga. Hindi na rin niya ito pinansin dahil abala siya sa pag - aaral ngunit sa kaibuturan ng kanyang puso ay naroon ang pag - asa na totohanin nito ang mga biro sa kanya ng bata pa sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD