Tania Kanina niya pa kami sinusubukang kausapin ni Chase pero kinontrata ko na ang huli para hindi pansinin si Tanda. "You've been ignoring me since yesterday," si Tanda na pinunto pa talaga ang ginagawa namin ni Chase. Umirap ako at nagpatuloy sa pagpapakain sa alaga ko. Ilang pananakot pa ang ginawa ko rito para lang mapapayag. Mabuti nalang at mas takot siya sa akin kaysa kay Tanda. "Chase, may naririnig ka bang nagsasalita? Wala hindi ba?" Tumigil naman siya sa pagkain at tumango sa sinabi ko. Ano ba 'yan, Chase? Kulang pa ang acting mo! Galingan mo pa! Iyong tipong magdadabog na naman itong si Tanda. Tsk! "Hey..." pagpapapansin ni Tanda pero inirapan ko lang siya. Hindi namin siya hanggang sa hindi siya nalang din ang sumuko. Parang aso na sunod nang sunod sa amin n

