Tania Sabay kaming bumaba ni Chase, dahil sinabi niyang nagugutom na siya at ako rin naman. Siyempre, hindi na ako ang nagluto 'no! Baka mamaya sumpungin na naman siya ng allergy niya ako na naman ang mag kasalanan! Champorado ang ipinaluto niya kay Manang Stella na naabutan namin noon sa kusina. Matalino rin naman ang batang ito eh, 'no? Pinili iyong hindi nilalagyan ng paminta. "Masarap?" Tanong ko sa kaniya nang pareho naming kinakain ang champorado sa sala kung saan kami madalas. Tumango siya at nagkibit balikat. "It's okay," sagot niya naman at nagpatuloy sa pagkain. "Talaga ba? Sa akin kasi hindi masarap eh," sabi ko sabay ngiwi. Hindi namab kasi ako sanay sa pagkain ng ganito. Mas gusto ko nga iyong kanin na nilunod sa kape eh. Mas feel ko iyon kaya rito sa Champorad

