Tania "H-ha?" Mahina kong tanong. Hindi ko naintindihan ang sinabi niya pero mas hindi ko maintindihan kung bakit kailangang ganito kalapit kami. "Just nevermind," sabi niya saka niya palang inalis ng dahan dahan ang kamay niya sa bewang ko. Ngumiwi ako at halos sapakin na siya. "Ano ba naman? May sasabihin ka tapos kapag hindi narinig, hindi mo naman uilitin." Reklamo ko sa kaniya sabay simangot. "Tss. Hayaan mo na lang kasi. Slow..." Binulong nalang niya ang huling salita pero narinig ko pa rin. "Asus...chu-mansing ka lang sa akin eh. May palapit lapit ka pa, gusto mo lang talagang makayakap sa akin 'no?!" Nakamapamaywang kong tanong sa kaniya, tila ba naghahamon. "Whatever you say, Tania." Nangingiti pa siya habang umiiling kaya itinuro ko siya. "Nako, nako kay, Sir ha?" Pi

