Tania "Should I bring this, Nanny?" Si Chase sabay pakita sa akin ng cap na kulay asul. Tumigil ako sa ginagawa ko para mas pumihit at mabalingan siya. "Puwede naman...madali ka bang mainitan?" Tanong ko pa saka naman ako nagpatuloy sa paglalagay ng mga damit niya sa kaniyang maleta. "Not really but I want to bring it. Just in case." Aniya pa. "Dadalhin mo pala, nagtanong ka pa," sabi ko sabay irap sa kawalan. "It's a good thing Papa agreed to your suggestion, Nanny?" "Hindi nga siya nagalit eh, akala ko nga mapapalayas na ako rito, hindi pala." Tumawa ako. Habang siya naman ay pinilig ang kaniyang ulo saka ngumiwi. "What is mapapalayas?" Baluktot ang dila niyang tanong. Bumuntong hininga ako at umiling. Nakakausap ko naman na siya kahit na Filipino ang gamit kong salit

