Third Person Hindi na alam ni Marisa kung ano ang gagawin niya. Masyadong malala ang lagnat ng kaniyang anak at kahit nasa ospital na sila, hindi niya pa rin alam kung bakit siya kinakabahan. "Ma...ma..." Nanghihinang tawag sa kaniya ng kaniyang anak. Pinalis niya ang kaniyang luha saka inalu ang anak. "Hm? Ano 'yon, Anak?" Anito na hinaplos pa ang noo ng ng anak na nakaratay sa hospital bed. "N-nagugutom na po...a-ako," anito. "Sige sige, A-anak... Hintayin mo lang si Mama ha? Si Ate Lovely muna ang magbabantay sa'yo..." bilin niya sa kaniyang anak saka naman binalingan ang anak na babae. "Lovely, bantayan muna itong kapatid mo at bibili muna ako ng lugaw sa tapat," bilin niya rin sa anak. "Sige, Ma." Sagot naman ng kaniyang anak na si Lovely. Tumango siya at pumikit. Bakit

