Tania Bukas sana ay papasok ako pero hindi na ako pinayagan ni Tanda. Sabi niya ay magbabayad nalang daw siya ng tutor para pumunta rito sa pamamahay niya dahil ayaw niya na raw maabala at para rin magampanan ko raw ng maayos ang pagiging Nanny ko. Mukhang bang kailangan pa ng atensiyon nitong si Chase? Kaya naman niyang tumayo magisa ah? "Bakit naman Tanda? Sayang naman kung gan'on," pagsubok ko pang pagkumbinsi sa kaniya. Marahas niya akong binalingan noong nasa opisina niya kami habang siya ay nakapamaywang. "Talaga bang gusto mong matuto o si Jin lang ang ipupunta mo roon?" Aniya na para bang pinagbibintangan ako. "Bakit ba kasi? Ilang beses ko bang sasabihin na hindi nga siya. Ang kulit talaga ng lahi mo!" Asik ko pa. Nakailang ulit na kami sa topic na ito, at paulit ulit

