Chapter 47

882 Words

Tania Balik training ako kinabukasan. Limang araw na lang naman ang natitira kaya tiniis ko na ang pagpapahirap ni Vixen sa akin. Mukhang hindi pa nga ako aabot sa level 2 ng training na ito kung saan ako makakahawak ng baril. Sayang naman! Ayon kasi kay Vixen ay wala pa siyang nakikitang improvement simula noong nakaraan. Kaya kailangan ng ibayo pang ensayo. Katatapos lang ng training at pabalik na kami ni Tanda sa mansion nang magpaiwan sina Trevor at Vixen para raw sa lakad nilang dalawa. "Ingat kayo!" Kumaway pa ako sa kanila pagkatapos ay sumakay na sa sasakyan ni Tanda. "May gusto ka bang puntahan?" Tanong pa niya nang makasakay na ako at makapagsuot ng seat belt. Umiling ako. "Wala na. Ikaw? May lalakarin ka pa ba dapat?" Tanong ko ngunit umiling lang din siya kagaya ng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD