Sina Crisiente’s Pov (Diamond Kingdom’s First Princess) Dinala kami ni Tita Kroline sa kwarto ni Kronen upang mapag-usapan ang tungkol sa tinatanong namin. Sinabi niya kasi na mas mabuting dito nalang kami mag-usap dahil hindi kikilos ang mga tao sa palasyo nila hangga’t nasa loob ng throne hall si Kronen. “Ang kawalan ng dating pinuno ng angkan ng Cola ang dahilan kung bakit nawala kami sa antas ng mga maharlika,” pagsisimula niya. “Ngunit hindi iyon naging hadlang sa pagmamahalan namin ni Nei kahit pa isa siyang prinsipe. Ipinaglaban niya ako hanggang sa wala nang nagawa ang kanyang mga magulang kundi tanggapin ako tutal naman daw ay hindi si Nei ang magmamana ng trono.” Naging masaya ang kanilang buhay, malayo sa problema ng palasyo. Ngunit mabilis na natapos ang kanilang ma

