Sina Crisiente's Pov (Diamond Kingdom’s First Princess) Lumipas ang oras hanggang sa dumating na sina Sage kasama ang backup party na hiningi namin sa guild. Kabilang nga doon sina Chein at Soren. At hindi ko alam kung naipaliwanag na ba ni Sage sa guild ang mga impormasyong nahanap namin sa kasong ito dahil mayroon din silang dalawang pinasama na alam kong mga fire users. Pinagpahinga muna namin sila dahil hindi din naging madali ang byahe nila patungo dito. At nang sa gayon ay makapagpatuloy ang misyon namin mamaya na nasa maayos na kondisyon ang lahat. At tulad ng inaasahan, mabilis akong sinunggaban ng yaka ni Chein. "Sina!" Hindi ko na naiwasan pa ang yakap niya kaya hinayaan ko nalang siya. "Sobrang na-miss kita." "Ay hindi kita na-miss!” Inis kong inalis

